Cristine Reyes dedma sa text ni Willie
February 18, 2008
Gaano naman katotoo na hindi sinasagot ni Cristine Reyes ang mga text ni Willie Revillame sa kanya kung kaya madalas ay si Ara Mina ang pinagtatanungan ni Willie tungkol kay Cristine?
Sa isang panayam, sinabi ni Cristine na hindi raw siya ang tipong mahilig makipag-text at sumagot sa mga tawag, at pati nga ang Ate Ara niya ay nagtatampo rin sa kanya dahil dito.
Ganoon, kayang dedmahin ni Cristine si Papi?
Well, sa kabila ng pagdi-deny nina Crsitine at Willie ay may ilan pa ring naniniwala na may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa.
Totoong bata pa si Cristine, as in, hindi pa mature ang isip para sa isang seryosong relasyon. Ito ang ipinag-aalala ni Ara.
Pero, kailanman ay hindi hadlang ang agwat ng edad ng isang tao, pagdating sa usaping puso. Basta, ibang-iba ang kislap ng mga mata ni Willie ‘pag si Cristine ang itinatanong sa kanya.
Karapatan ng kahit sino ang lumigaya sa piling ng taong nais nilang makapiling, basta ‘t mamahalin lang din sila nito.
Related News
No. of Views: 184 views
Tags: Ara Mina, Christine Reyes, Revilla, Willie Revillame
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Cristine Reyes dedma sa text ni Willie”
Got something to say?















Really??????????????????????