Pagpirma ni Charlene Gonzales sa QTV 11, big deal

February 21, 2008







MAUGONG ang naging pagpirma ng kontrata ni Charlene Gonzales sa sister station ng GMA-7 na QTV 11 bilang kapalit ng nag-quit na si Daphne Oseña-Paez sa weekly show na Proudly Filipina, na magsisimula nang mapanood sa Feb. 29.

Madaling intindihin kung bakit tila naging “big deal” ang pagpayag ni Charlene na magtrabaho sa Q-11. Siyempre, may kinalaman pa rin ito sa napakainit na banggaan ng warring networks na GMA-7 at ABS-CBN 2, dating home studio ng misis ni Aga Muhlach, kung saan dati siyang host ng lifestyle show na At Home Ka Dito.

Actually, nu’ng una’y hindi lang Proudly Filipina ang nabalitang proyekto ni Charlene outside ABS-CBN. Dahil minsan nang nagbida sa movie version ng Dyesebel, umugong din ang tsikang may papel siyang gagampanan sa Dyesebel ng GMA-7.

Pero, mariin itong pinabulaanan ng kampo ng dating beauty queen, dahil hindi umano nito prayoridad ang paglabas sa isang teleserye.

Tama na raw kay Charlene ang isang regular hosting job, lalo pa’t tutok siya sa pagpapalaki sa kambal na sina Atasha at Andres at pag-aasikaso kay Aga.

Gaya ng tinuran ni Regine Velasquez sa Maalaala Mo Kaya presscon kamakailan, siniguro ni Elvie Gonzales, butihing ina at tumatayong manager ni Charlene, na hinding-hindi mapapagitna sa dalawang nag-uumpugang giant networks ang kanyang anak.

Hindi raw sila magsusunog ng tulay ng pagkakaibigan, kaya bago pa man tanggapin ang alok ng Q-11, ipinauna na nila ang tungkol dito sa Kapamilya execs gaya nina Charo Santos-Concio at Cory Vidanes.

Agree ang kampo ni Charlene sa tinuran ni Regine na sadyang napakaliit ng mundo ng show business, kaya hindi maiiwasang makasalamuha o makabangga ng isang artista ang mga dating kasamahan o katrabaho.

Katunayan, libre pa rin daw magtrabaho si Charlene sa ABS-CBN as long as hindi direct competitor ng Proudly Filipina ang iaalok na show ng Kapamilya channel.

Hindi rin isinasara nina Charlene ang posibilidad na tumanggap ng project mula sa GMA-7, although sa ngayon, sabi ni Tita Elvie, wala pa naman silang natatanggap na offer.

Wala raw siyang ideya kung saan nanggaling ang tsikang kasama si Charlene sa Dyesebel.

One season contract lang daw para sa Proudly Filipina ang pinirmahan ng anak niya sa Q-11 and “so far, we go by that first,” ang pahayag ni Tita Elvie.

“But if a nice project comes along, it’s not nice to limit yourself naman,” dagdag nito, na ibig sabihin ay bukas sila sa mga darating na trabaho, basta’t makabuluhan at hindi gaanong makaaapekto sa oras ni Charlene sa pamilya.

Next month nga pala, ga-graduate na sa Nursery sa Maria Montessori ang twins na sina Atasha at Andres.  Naatasan pa raw tumugtog ng piano si Atasha sa closing program, kaya proud na proud si Tita Elvie.

Samantala, nang tanungin naman daw si Charlene ng press kung Kapamilya o Kapuso ba siya, ang sagot nito: “Ang isang magandang pamilya at may malaking puso.”

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Kat Alano
Mariel Rodriguez
Cassandra Ponti
Aubrey Miles
Cindy Kurleto
Nancy Castiglione

 


Comments

Got something to say?





Advertiser