Cristine Reyes, mas malakas ang dating kesa kay Katrina — Paolo
February 24, 2008
KAHANGA-HANGA ang pagiging prangka ni Paolo Paraiso. Kahit anong itanong, sinasagot, ’di tulad ng ibang actor na paarte-arte pa.
Pati tuloy ang pagdalaw ni Willie Revillame sa shooting nila ng Ate nina Cristine Reyes at Ara Mina, ibinulgar sa press ng ex-husband ni Mylene Dizon.
Ang sumbong daw ni Cristine, “nangungulit” si Willie. Once lang daw naman dumalaw ang TV host sa set, hindi na nasundan pa.
Pati mga katabi naming reporter, lalo na si Chan Chan Torres, nagugulat sa pagiging sobrang prangka ni Paolo. Dalaga kasi si Chan Chan, kaya shocked ito sa walang malisyang pagkukuwento ng aktor na mas gusto niyang may ilaw at music ’pag may karomansahan sa kama.
“Maganda ’yung may ilaw para nakikita n’yo ang isa’t isa. Saka, ayoko ’yung hubad agad ang girl. Mas nakaka-el ’pag naka-polo lang, tapos walang suot na panty,” ani Paolo.
Ordinaryo na raw sa gaya niyang model ang makakita ng hubad na katawan ng babae, kaya mas feel niya ang nakadamit. ’Yun daw parang hinahabol mo ang kung anong nakatago.
Tinanong din si Paolo kung sino ang mas malakas ang sex appeal: Si Katrina Halili ba o si Cristine?
Balita kasing nanliligaw itong si Paolo kay Katrina.
“Hindi totoo ’yon. Sexy at maganda si Katrina, pero hindi ko siya nililigawan. Nagsimula ’yang tsismis na ’yan nu’ng magkasama kami sa isang teleserye sa GMA-7,” depensa niya.
Ganunpaman, mas malakas daw ang dating ng younger sister ni Ara Mina sa kanya kesa kay Katrina.
Consistent si Paolo nang sabihing nag-init siya sa love scene nila ni Cristine sa Ate.
Wala nga raw siyang itulak-kabigin sa magkapatid na Ara at Cristine, na tinuhog niya sa movie na ipalalabas sa lahat ng SM cinema simula sa March 5.
May premiere night ito sa March 4.
Related News
No. of Views: 281 views
Tags: Ara Mina, GMA, Katrina Halili, Mylene Dizon, Revilla, SC, Willie Revillame
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














