Marian at Dingdong, ipinaglaban ni Joyce sa GMA-7 bosses
February 26, 2008
PORMAL nang ipinaalam ng GMA Network sa Showbiz Central na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sina Dyesebel at Fredo sa Dyesebel.
Pagkatapos ng last taping day ng Marimar sa March 6 o 7, magti-training na ng swimming ang actress para sa underwater scenes niya at sasabak sa sariling preparasyon ang actor.
Natuwa si Marian Rivera sa Regal dahil binigyan siya ng DVD copy ng Dyesebel ni Alice Dixson para kanyang mapanood. Sabay na silang manonood ni Dingdong para magkaroon ng idea kung paano tumakbo ang istorya nito.
Nag-fitting na ng buntot si Marian na inabot ng two hours, mag-i-expose siya ng skin at handa siyang mag-topless.
“Sa pictorial pa lang, nag-topless na ako, topless kung topless ito, pero hindi malaswa ang dating. Hindi papayag ang GMA-7 na lalabas ako na ikapapahamak ko o mababastos ako,” say ni Marian.
Alam din ni Marian Rivera na bata ang tina-target na viewers ng Channel 7 para sa Dyesebel at magbabantay ang MTRCB, kaya sexy, pero hindi malaswang sirena ang mapapanood. Excited na siya kung ano ang gagawin ni Direk Joyce Bernal para mas gumanda ang serye.
Samantala, sa March 14 na magwawakas ang Marimar at live ang ending nito. At least, hindi man natuloy sa Mexico, sa ibang paraan tatapusin ng GMA-7 ang pag-iibigan nina Marimar at Sergio.
Related News
No. of Views: 205 views
Tags: Dingdong Dantes, GMA, Marian Rivera
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














