Regine, namamangka sa dalawang ilog!
February 26, 2008
LAST Sunday ay nasa loob kami ng studio ng The Buzz kaya napanood namin nang live ang guesting ni Regine Velasquez sa nasabing programa, kung saan ay nilinaw niya ang lahat ng balita surrounding her supposed transfer to ABS-CBN.
Maraming bagay namang nalinaw ang Asia’s Songbird, tulad ng hindi raw totoo ang P25-M offer ng Kapamilya channel, na talagang nagpaalam na siya two Sundays ago sa SOP and that was her last show, kaya naging emosyonal silang lahat, na siya ang unang nagpakita ng interes na gumawa ng project sa ABS-CBN which is Betty La Fea, a Mexican telenovela, na desidido na siya to do it, pero hindi siya pinayagan ng GMA-7.
Sinabi rin niyang na-hurt siya sa pagdedenay ng ABS-CBN tungkol sa offer, dahil nagkaroon naman daw talaga, pero hindi naman daw sila umabot sa P25-M talk.
Naidetalye ni Regine ang sequencing of time mula sa umpisa hanggang sa pagpapaalam niya sa SOP at ang pakikipag-usap nila ng manager na si Cacai Mitra sa GMA-7 bosses right after na magpaalam siya sa variety show.
Kung iaanalisa ang kuwento ni Regine, lumalabas na namangka siya talaga sa dalawang ilog although she’s denying it.
Kung desidido na siyang gawin ang Betty La Fea and in fact, nagpaalam na nga siya sa SOP, bakit nakipag-usap pa rin sila ng manager na si Cacai sa GMA at pinakinggan ang mga bagong offer ng network?
Bakit niya sinasabi ngayon na floating siya, jobless at patuloy pa ring nag-uusap ang manager niya at ang GMA-7 bosses?
Wala raw siyang contract sa Kapuso, pero bakit nagpapapigil siya na gawin ang Betty La Fea kahit nakapagdesisyon na siya?
Paano naman ’yung tinanguan niya sa ABS-CBN?
Ang ending tuloy ngayon, from Regine’s words herself, she has no job dahil mukhang hindi na raw interesado ang ABS-CBN sa kanya at wala na rin daw kumukontak sa kanila.
But let’s face it, Regine Velasquez is Regine Velasquez, the Asia’s Songbird. At the end of the day, may istasyon pa rin siyang pupuntahan, whether Kapamilya or Kapuso.
Pero maging moral lesson na sana ang nangyaring ito sa kanya na next time, magkaroon siya ng isang salita at desisyon.
* * *
PAGKATAPOS ng The Buzz, na-interview namin si Boy at isa sa napag-usapan namin ay ang kaso ni Regine.
Maging ang TV host ay maraming katanungan sa kanyang isip na hindi niya puwedeng itanong nang diretso kay Regine for the simple reason na ayaw niyang maka-offend.
“Tanong halimbawa, there was this long monologue na maraming salamat sa Channel 7, inalagaan naman nila ako blah blah blah, the logical question of any good interviewer is, kung inaalagaan ka, bakit wala kang trabaho? But how can I say that on air without embarrassing my guest?
“Siyempre, pinipigilan ko ang sarili ko dahil Regine deserves respect. In-appreciate ko ’yung kanyang pagpunta sa The Buzz. Na-appreciate ko ang tapang niya na sinabi niyang hindi na interesado ang ABS-CBN sa kanya dahil idinenay nga na in-offer siya.
“Nanghina siyempre ako ru’n dahil hindi ko alam. Kaya sinabi ko na lang na iginagalang ko ang mga sinabi mo. Magandang mangalikot, sino ang kausap mong taga-Channel 2?
“But of course, I have to respect. Du’n, halimbawa, sa tanong na nagpapapresyo ka ba? “Pero, hindi na ako puwedeng mangulit dahil kaya nga niya sinabing nagpaalam na siya sa GMA-7 because seryoso siya sa interest sa Betty La Fea.
“Pero, I like her when she said na oo, ako ang nagsabing interesado ako, and then the offer came.”
Pero, kailangan naman din daw niyang iklaro ang side ng ABS-CBN sa abot ng kanyang kaalaman. Sinabi niya kay Regine na wala namang itinatanggi ang network na in-offer siya, kundi ’yung 25M offer lang.
“But napakalaking bagay sa akin na pumunta si Regine,” anang TV host.
Pero, ano ang nabuo sa kanyang impresyon matapos ang interview?
“Palagay ko, there was so much uncertainty. She’s a major star, hindi siya dapat pakawalan ng GMA-7. Ang basa ko, wala pang mga desisyon. Ang klaro sa akin is that she’s not closing doors to anyone,” sabi pa ng TV host.
Anyway, sa kuwentuhan ay masayang ibinalita ni Kuya Boy na maganda ang sales ng kanyang Love Life: Life Songs and Life Stories with Boy Abunda CD under Star Records, isang collection of songs and conversations featuring 10 tracks of inspiring and uplifting songs and conversation with his Nanay and friends.
Related News
No. of Views: 118 views
Tags: ABS-CBN, Boy Abunda, GMA, Regine Velasquez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














