Ruffa: Gretchen Barretto, mabuting kaibigan, masamang kaaway
February 26, 2008
HINDI kami basta-basta pumapasyal sa studio ng The Buzz unless ipatawag kami ni Kuya Boy Abunda for some tsika-tsika.
After the show at dahil busy pa si Kuya Boy, naisip naming interbyuhin muna ang co-host niyang si Ruffa Gutierrez, na for sure, marami kaming mapupulot na tsika.
Siyempre, dahil kaibigan niya pareho ang warring beauties na sina Big Nadia M. and Slim Gretchen B., itech ang una naming itinanong sa kanya.
“Basically, ang gusto ko lang sabihin, everybody knows that both Nadia and Gretchen are my friends, most of us, siyempre, ang ipinagdarasal ko ay magkabati na ’yung dalawa, kasi they’ve been friends since fourth grade. And kung anuman ang naging away nila, sana maidaan sa magandang pag-uusap.
“At sa mga tao namang nagtatanong sa akin kung totoo ang mga tsismis tungkol sa mga taong involved, hindi ko naman sila nakakasama 24 hours a day. Especially with the Dodie Puno isyu, I never knew that… I was like one of the last persons to know, so, I can’t really say if it’s true or not.
“And I think I’m not in a position to speak about that because Gretch naman can answer for herself. You know, I have my own problems and I don’t wanna meddle in other people’s life.
“The only thing I can do is pray for them at sana, maliwanagan silang dalawa,” intrada ni Ruffa.
“Mabuti bang kaibigan si Gretchen, pero masamang kaaway?” hirit na tanong ng yours truly.
“Sa tingin ko, oo. Para siyang si Mommy (Annabelle Rama). Mabuting kaibigan, pero masamang kaaway,” sagot nito, na ikina-laff na lang namin.
Related News
No. of Views: 127 views
Tags: Annabelle Rama, Boy Abunda, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













