Maja Salvador idinenay si Carlo Aquino

February 27, 2008







Maja SalvadorPAREHO naming dinatnan sina Rayver Cruz at Maja Salvador sa taping ng programang Your Song ng ABS-CBN sa eskuwelahan ng Central Colleges of the Philippiens the other night.

Magkapartner ang da-lawa sa sa episode na pinamagatang Kapag Ako Ang Nagmahal na magsisimula sa Linggo (March 2). Nagtaka kami kung bakit hindi si Jay-R Siaboc ang partner ni Maja  sa Your Song. Pinaghihiwalayna ba ang tambalan nila?

Si Rayver ay hindi na rin ipini-pair kay Shaina Magdayao at ayon sa kanya, lahat ng project ngayon kung saan kasama si Maja ay ka-join din siya.

Parehong mahusay sumayaw sina Rayver at Maja. Member sila ng grupong UD4 ng ASAP ‘08. Si Maja ang Dance Floor Princess at si Rayver naman ang Dance Floor Hottie.

Sa Your Song, gaganap ang dalawa bilang Andrea (Maja) at Jack (Rayver) na nagkakilala nang husto sa pagsasayaw kung saan sa pag-indak ng kanilang katawan ay sumabay din ang pagtibok ng kanilang puso.

Now that they’re together, hindi kaya ma-develop sila sa isa’t isa? Well, there’s nothing wrong kung mangyari man ito dahil as they say, pareho naman silang available.

* * *

NILINAW sa amin ni Maja ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Carlo Aquino. Wala raw silang relasyon. Sweet lang daw ang binata at hindi rin totoong nagdi-date sila.

In fact, textmate at callmate lang daw silang dalawa. If ever man daw na nagkikita  sila ng dalawa,  ‘yon ay kapag sumasama si Carlo sa dinner ng kanyang pamilya.

“Madalas nga  na hindi pa ako nagre-reply o sumasa-got sa tawag niya, eh.’Yon ba ang mag-on? Wala po ka-ming relasyon. Magkaibigan lang talaga kami,” diin pa niya.

Samantala, masaya naman si Rayver sa nangyayari sa takbo ng career nga-yon ni Shaina na gumaganap ng isang mature role sa Lobo.

“Hindi naman puwede na puro pa-cute yung gagawin namin. Tumatanda na rin naman kami kaya dapat ready kami to do mature roles,” paliwanag niya.

Sa Your Song, may kissing scene din sina Rayver at Maja, pero hindi pa ito nakukunan.

Kasama  rin nga pala sa Your Song si Valeen Montenegro. Ang  gagamiting kanta sa programa ay ang version ni   Aldred Gatchalian.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Valerie Concepcion
Mary Jean Maycon
Kat Alano
Sunshine Cruz
Christine_Reyes_803
KC Concepcion

 


Comments

2 Responses to “Maja Salvador idinenay si Carlo Aquino”

  1. gelie on February 27th, 2008 4:47 pm

    Hayyy!!! showbiz nga naman!!! bakit kasi hindi na lang magpakatotoo itong mga batang artista na ito, mas mapapamahal kayo sa fans niyo kung hindi niyo sila niloloko!!!!yun na!!

  2. emjoven on February 27th, 2008 8:37 pm

    correct ka dyan!!

Got something to say?





Advertiser