PMA Class ’71 sumama sa rally– Sen. Lacson

February 29, 2008







PATI ang Class ’71 ng Philippine Military Academy (PMA) ay sumali na rin sa inter-faith rally kahapon sa Makati City.

Sa text message, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ilan sa kanyang mga mistah ang kasama niya sa naturang kilos-protesta. Partikular na rito ay sina Ret. Gens. Raul Urgellos at Romeo Dominguez, mga kaklase ni Lacson sa PMA Matatag Class of 1971.

Bukod sa kanila, kasama rin ni Lacson na kinatagpo sa Gabriella monument sa Ayala corner Makati Avenue Congressmen Rolex Ronnie Zamora, Carlos Padilla, Rolex Suplico, Dra. Miguita Padilla, Makati Councilor Armand Padilla, Sandra Cam at ilan pang mga naging whistle-blowers na Senado.

Tumanggi naman si Senate President Manny Villar na sumama sa rally kahapon dahil hindi aniya magandang tingnan kung makikilahok pa siya rito bunsod na rin sa may ginagawa pang imbestigas-yon ang Senado hinggil sa ZTE scandal.

Gayunman, binigyang-diin ni Villar na maganda ang layunin ng rally dahil naibu-buhos ng taumbayan ang kanilang hinanakit at sama ng loob sa kasalukuyang pamahalaan.

“Unang-una, naniniwala ako na maganda sa bayan ang pagpapakita ng tunay na damdamin at sentim-yento. Marami ngayon sa ating mga kabataan ang aktibo at ginagawa kung ano ang kanilang nararam-daman. Ang mga ganyang aksiyon ay ini-encourage ko para sa pagpapasigla ng ating demokrasya,” sabi pa ni Villar.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cindy Kurleto
Bianca_Gonzales_533
Kristine Jaca
Jennifer Lee
Vanna Garcia
Ara_Mina_646

 


Comments

Got something to say?





Advertiser