Becky: Valerie, walang alok para sa ‘Betty La Fea’

March 2, 2008







AMINADO si Maja Salvador na medyo nami-miss na rin niya ang dating kaparehang si JayR Siaboc.

For a while, sinubukan din kasi ng ABS-CBN ang tambalan nila and in fact, dalawang magkasunod na teleserye ang kanilang pinagsamahan, ang Pangarap na Bituin at Patayin sa Sindak si Barbara.

Some people then thought na nagkakagusto na si JayR kay Maja dahil nang mag-celebrate ang young actress ng anibersaryo sa showbiz, binigyan pa siya ng binata ng isang necklace sa surprise presscon na ginanap last year.

Pero, mas maugong ang tsismis na relasyon ni JayR kay Irish Fullerton, nakasama niya noon sa Pinoy Dream Academy, kaya marahil ay hindi na rin umingay ang loveteam nila ni Maja.
Ngayo’y magkahiwalay na sila ng projects. Nasa Palos si JayR at si Maja naman, mapapanood starting this Sunday sa March episode ng Your Song opposite Rayver Cruz.

Pero may communication pa naman daw sila ni JayR at friends sila.

With Rayver naman, bagama’t matagal na silang nagkakatrabaho dahil iisang istasyon lang ang iniikutan at magkasama pa sa UD4 ng ASAP ’08, ngayon pa lang daw sila talaga magtatrabaho as a loveteam.

Sino ang mas masarap na katrabaho, si JayR o si Rayver?

“Pareho naman po silang masarap katrabaho. Si JayR, thoughtful at laging nagtatanong kung kumusta na ako, ganu’n. Si Rayver naman, kapag nasa set kami, wala kaming ginawa kundi ang magtawanan,” say ng young actress.

Isang buwan tatakbo ang Your Song, pero hindi pa rito matatapos ang kanilang tambalan ni Rayver dahil sila rin ang magkapareha sa remake ng drama soap na Anna Lisa.

* * *

FLATTERED si Valerie Concepcion na isa ang pangalan niya sa lumitaw na pinagpipilian para gumanap na bida sa Betty La Fea na matatandaang pinag-interesan ni Regine Velasquez.

“Gusto ko rin,” ito agad ang nasambit ni Valerie nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya na isa siya sa napipisil para sa role.

“Sana talaga. Kasi, hindi pa ako nagsu-soap dito sa ABS-CBN, eh.”

Ayon sa balita, ang mga pinagpipilian para sa Betty La Fea ay sina Val, Anne Curtis, Angel Locsin at Bea Alonzo.

Sakali naman daw na hindi siya mapipili, okay lang dahil ibig sabihin, hindi para sa kanya ang project.

“Ako kasi, naniniwala na if it’s meant to be yours, then it will be yours no matter what,” say pa ng young actress.

* * *

SAMANTALA, tinanong din namin ang manager ni Valerie na si Becky Aguila kung may offer na sa kanyang alaga para sa Betty La Fea and so far, wala pa naman daw.

Ibinalik pa niya ang tanong sa amin kung totoo bang isa si Val sa mga pinagpipilian.

Naniniwala rin ang manager na kung sakaling si Val ang mapipili, malaking bagay ito para sa career ng alaga, lalo pa nga’t ito ang unang soap ng young actress sa Kapamilya channel.

But since wala pa namang sinasabi sa kanila, ayaw nilang mag-expect.

“Kung ibibigay, we’ll be happy, pero kung hindi, happy pa rin dahil maganda naman ang ginagawa ng ABS-CBN sa kanya at hindi siya pinababayaan,” Becky said.

Actually, pagtatalunan pa nga sa “kongreso” kung sakaling si Valerie ang mapipili dahil magiging super loaded ang aktres ’pag nagkataon.

Tinanggap na kasi niya ang gag show na Banana Split with Kristine Hermosa and Anne Curtis at may movie pa siya with Vhong Navarro na showing na sa March 22, ang Supahpapalicious, mula sa direksyon ni Gilbert Perez.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Angel Locsin
Cindy_Kurleto_469
normal_hazel_ann_mendoza_01.jpg
Aliya Parcs
Renee Summer
Karel Marquez

 


Comments

Got something to say?





Advertiser