Dina Bonnevie inamin ang totoo tungkol kina Oyo, Kristine Hermosa
March 2, 2008
NAIIPIT between a hard place and a rock ang controversial actress na ito.
May nabasa na kaming blind item about this incident, pero hindi complete ang details kaya we’re wri-ting a more thorough one. Sa isang okasyon, nag-kasabay-sabay na dumating sina controversial actress-host, ang mag-asawang artista na pulitiko ang lalaki at ang beauty queen kasama ang kanyang misis.
Ang connect ni controversial actress, pareho silang na-link sa dalawang lalaki.
Nagkamali pa yata ang seating arrangement dahil napaupo siya sa harap ng mag-asawang pulitiko na katabi naman ang beauty queen at ang asawa nito.
Dedma sa kanya ang asawa ni pulitiko at nahihiya na-man siyang kausapin ang beauty queen na kinakausap naman siya.
No,walang nangyaring gulo. Iniisip na lang namin na nagka-steep neck siguro si controversial actress kaya hindi siya makalingon, he-he-he!
* * *
NON-EXISTENT daw ang relasyon nina Kristine Hermosa and Oyo Sotto say ni Dina Bonnevie.
Balik-GMA-7 na nga si Ms. D na huling napanood sa Kapuso network sa Na-rito Ang Puso Ko. She is now part of the newest soap ng Kapuso network starring Yasmien Kurdi, Marvin Agustin, JC de Vera and Angelika dela Cruz.
Excited si Ms. D sa role niya bilang gangster head, pero naloka siya na at her age, pag-aaksyunin siya with matching barilan at takbuhan.
Anyways, can’t help but ask her kung totoong hindi siya pabor sa relasyong Tintin and Oyo, and this is not true raw.
In the first place, wala naman daw relasyon ang dalawa at si Oyo na mismo ang nagsasabi sa kanya nito.
Say pa ni Ms. D, her son would tell her naman daw kung meron and she wouldn’t mind at all dahil malaki na raw ito.
Kaso nga, wala.
* * *
AUSPICIOUS month ang March for Babangon Ako at Dudurugin Kita.
Bumisita nga kami sa set ng pinakabagong soap ng GMA-7 all the way to Tanza which is quite favorable to us dahil taga-Cavite na rin kami.
Almost complete cast ang nadatnan namin doon, so maraming balita, pero one trivia we’d like to write is how ‘important’ the month of March is to the show.
March 24 ito magpa-pilot kapalit ng Marimar but more so, napakaraming involved sa soap ang March-born.
Ang mag-asawang Ton-ton Gutierrez and Glydel Mercado, parehong ipina-nganak ng March; 10 si Glydel at 20 si Tonton at ang wedding anniversary nila ay March 15.
Ka-birthday din ni Glydel ang isa sa mga bida na si JC de Vera.
Si Paolo Contis na balik- kontrabida sa soap is born March 14. Even the EP of the show na si Winnie Reyes, ka birthday namin sa March 25.
Related News
No. of Views: 284 views
Tags: GMA, Kristine Hermosa
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














