Gretchen Barretto, Nadia Montenegro ceasefire na!

March 2, 2008







Karakter talaga si Kris Aquino.

Wala siyang keber kung pati ang personal nilang buhay ng asawang si James Yap ay ikuwento niya sa publiko, basta’t  maibulalas niya ang kanyang gustong sabihin.
Recently, may isang episode sa Boy & Kris na kung saan ay pinag-uusapan nila ni Boy Abunda ang tungkol sa bath tub. Ayon sa ilang ma-nonood ay biglang nasabi ni Kris na bongga ang tub  niya sa bahay at ‘yun ang kanyang pinakagustong gawin sa buhay niya. Ang magbabad  umano sa bath tub na may bubble  bath.

Bigla pang humirit   ang TV host na  kinukumbinsi nga raw niya ang basketbolistang asawa na  samahan siyang mag-bubble bath at  least, dalawang beses sa isang linggo.

Very casual naman si Kristeta nang sabihin ito, pero halatang nagulat si Tito Boy. Ikinagulat din daw ito ng mga nanonood.

May nagtanong tuloy kung bakit ganoon si Kris? Dapat  daw  ay hindi na  ikinikuwento ang ganung mga bagay.

Oo nga’t mag-asawa na sina Kris at James kung kaya wala nang malisya ito kay Kris, pero sa  iba  kasi ay hindi maganda ang dating nito.

Kasi naman,  ang mga ganyang pribadong ginagawa ng magdyowa ay hindi na dapat  ina-announce in public, di ba?

Komento pa ng isang televiewer, mabuti na lang at adjusted na raw si James sa pagiging open ni Kris. Aba, hindi biro na pati pagligo niya ay tipong inaabangan pa  ngayon ng fans, huh.

That’s very Kris Aquino. Wala sa kanya ang mga ganoong bagay. Walang malisya kaya madalas nagiging taklesa ang tingin sa kanya ng marami.

‘Yan nga rin siguro ang dahilan kung bakit matatag na ang samahan ngayon nina James at Kris. Tanggap na nila ang strengths and weaknesses ng isa’t isa  kung kaya  dedma na lang ang mga ganitong bagay, lalo na kay James.

Nakalolokah. Ayaw ng bubble bath!

*  *  *

Walang dudang sikat na  si Pokwang.

Kahit saang sulok ng daigdig, ang komedyanang ito ang hinahanap ng TFC subscribers, huh?

Marami kaming kakilala sa U.S. at ilan din sa Middle East, at ang laging itinatanong ng aming mga kamag-anak at kaibigan ay kung kailan magsu-show doon si Pokie sa bansa nila.

This March ay magkakaroon daw si Pokie ng shows sa ilang key cities sa U.S. at Europe. Bongga!

Magaling siyang komedyana, pero walang ere sa ka-tawan si Pokwang. Kaya naman gustung-gusto siya ng la-hat ng staff ng show lalo na ni Willie Revillame.

Paano nga, hindi nag-iinarte si Pokwang at hindi pa siya sakit ng ulo sa programa.

Ang lahat ng isinusuot niyang costumes  sa Wowo-wee na nakapagbibigay  ng saya sa manonood ay binili niya lahat.

Recently, may isang bumati sa amin na naka-Betty Boop outfit  pa at  instantly nakapag-remind sa amin of our highschool days. Si Pokwang pala ‘yun.

Nakaupo sa may gilid ng studio lang at naghihintay ng susunod niyang  gagawin  sa  show.

May nakapagsabi pa sa amin na hindi raw maramot si Pokwang, kung kaya’t patuloy siyang binibiyayaan.

* * *

HOW true ang chika  na kaya raw natigil bigla ang awayan ng dating magkaibigang Nadia Montenegro at Gretchen Barretto ay dahil sila-sila na rin ang nag-usap para matigil na ito?

Komento  pa ng isang sumusubaybay sa mistulang teleseryeng awayan na ito, malamang ay nag-usap na rin umano sina Nadia at Gret-chen na tigilan na ang ka-cheapang ‘giyera’ nila, kasi sila rin ang nagkakasiraan.

Hmmn, puwede.

Ayon pa sa aming naka-usap, kung hindi pa raw kasi tumigil ang dalawang ito ay baka mas marami lang  sikreto ang mabunyag, na lalong ikasisira ng dalawa at ng pag-kakaibigan  nila.

Hmmmn, may point nga naman.

Habang may pagmamahal pang natitira, dapat ay ceasefire na.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Angelica_Panganiban_688
Marian Rivera Picture Gallery
707
Diana Zubiri
Julia Clarete
Asia Agcaoili

 


Comments

Got something to say?





Advertiser