Regine Velasquez, balik-‘SOP’
March 2, 2008
NGAYONG Linggo, isang grand production number ang inihanda ng SOP para sa pagbabalik ni Regine Velasquez sa show.
Siniguro ng GMA-7 na hindi na mauulit ang nangyaring pamamaalam ng Asia’s Songbird sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng dalawang teleserye.
Ang una’y hango raw sa Koreanovelang Full House at ang ikalawa nama’y sa Kim Sam Soon.
Isang scriptwriter ang role ni Regine sa unang programa, na nagkagusto sa isang struggling actor. Sa ikalawa, chef naman ang papel na gagampanan niya.
Hanggang ngayo’y pinag-iisipan pa raw ng Siyete kung sino ang gaganap na leading man ni Regine sa nasabing mga teleserye.
Siyanga pala, balita nami’y kakantahin ni Regine ang awiting And I am Telling You, na siguradong bibigyan agad ng malisya ng mga manonood.
Parang may pinatatamaan kasi ang singer-actress sa naturang awitin.
* * *
KASAMA raw sa kontrata ni Valerie Concepcion para sa iniendorsong slimming-food supplement na Slenda ang hindi pagbubuntis.
Sa recent launch ng actress na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, hindi makapaniwala si Val na siya ang napili ng manufacturers ng Slenda gayung sangkatutak naman daw ang mga sexy actress na nagsusulputan sa eksena.
Feeling ni Val, hindi siya gaanong kaseksihan para maging endorser ng naturang produkto. Isa kasi itong food supplement na nakatutulong para mapanatili ang magandang pigura ng isang babae o kamachohan ng isang lalaki.
Paglilinaw ng doctor na kasamang humarap sa press ni Val that night, walang side effect ang Slenda’t maaari itong inumin ng mga buntis.
Biruan tuloy ng ilang kasamahan sa panulat, maniniwala lang silang mabisa ngang pampapayat ang Slenda oras na pumayat at sumeksi ang manager ni Val na si Becky Aguila.
In fairness, ha, malaki ang iginanda ng katawan ni Val. Naramdaman din daw niya ang unti-unting pagbabago sa katawan mula nang uminom siya ng Slenda.
Related News
No. of Views: 180 views
Tags: ABS-CBN, GMA, Regine Velasquez, SC, VALERIE CONCEPCION
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













