Kristine Hermosa ka-date si Oyo Sotto sa concert ni Ne-Yo
March 3, 2008
Magkasamang nanood sa concert ni Ne-Yo sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto at sila rin ang magkasama sa concert ni Beyonce noon.
Noong February 29, nakita rin sila sa The Embassy sa The Fort at naka-post pa sa Internet ang litrato ng dalawa habang umiindak.
Ayaw tuloy maniwala ng fans nina Kristine at Diether Ocampo na barkadahan lang ang dalawa at walang relasyon.
Duda rin ang DieTiners, gaya ni Florence Castillo, na sunud-sunod ang pag-i-email sa sinabi ni Dina Bonnevie na non-existent ang relasyon ng anak at ni Tintin.
“My” for mommy pa nga raw ang tawag ni Oyo kay Kristine, dahil mag-ina sila sa Enteng Kabisote movies at hindi niya nakikitang in-love ang dalawa.
Ayon pa kay Dina, sinabi ni Oyo sa kanya na in-love pa si Kristine kay Diether.
“Hindi ako nakikialam sa personal life ng mga anak ko, pero sinabi ko kay Oyo, if Kristine is still married to Diet and she still loves him, be careful.
“Ayaw kong maging hadlang ang anak ko sa balikan nila. ’Wag siyang manghihimasok. Sabi naman ng Oyo, kung sila ni Kristine, dapat noon pa at naniniwala ako sa anak ko,” sabi ni Dina.
Ayan, sana sa pahayag na ito ni Dina ay mabawasan kahit konti ang galit ng fans ni Kristine sa pangdi-dedma niya kay Diet at sa patuloy na pagsama kay Oyo.
Samantala, nasa GMA-7 na uli si Dina at kasama siya sa Babangon Ako at Dudurugin Kita, kailan naman kaya babalik sa Channel 7 si Oyo?
* * *
Usap-usapan pa rin ang desisyon ni Regine Velasquez na mag-stay sa GMA Network at kalimutan na ang paglipat sa ABS-CBN.
Tatapatan naman yata ng Channel 7 ang mga pinalampas niyang offer ng Channel 2 at may binanggit itong “more shows to come.”
Kasama sa mga show sa Kapuso channel ang Season 2 ng Celebrity Duets, pero September pa ito, after Pinoy Idol at malamang, soap ang una nitong gawin, ang Filipino version daw ng Kim Sam Soon.
Birthday ni Regine sa April 22, hindi ba maganda kung bibigyan siya ng TV special ng Channel 7, gaya ng ginawa nila kay Richard Gutierrez?
Matutuwa nito si Songbird ’pag nagkataon at mapi-feel na mahal at importante siya sa home network.
* * *
Balik-SOP din last Sunday si Jennylyn Mercado, pero hindi masyadong napansin dahil kay Regine natuon ang pansin ng lahat.
Matutuwa pa ang fans ng leading lady ni Jacky Woo sa The Half-Blood Samurai dahil regular na raw uli ang actress sa SOP.
Magkakasunud-sunod ang guesting ni Jennylyn sa mga show ng GMA-7 hangga’t kaya ng kanyang katawan.
Si Wilma Galvante raw mismo ang nagsasabi sa mga PUM o production unit manager na i-guest ang preggy star.
Guest din si Jen sa pilot episode ng Tasya Fantasya. Medyo off nga lang, dahil ang bida ng show ay si Yasmien Kurdi, runner-up ni Jen sa StarStruck 1.
* * *
Sari-saring showbiz news ang napanood sa Showbiz Central last Sunday at kasama pa sa na-feature ang pagpapa-lipo ni John Lapus kay Dr. Manny Calayan.
Kaya pala can afford na namang magpa-sexy ang TV host dahil payat-payatan.
Kahit hiwalay ang interview, ang cute pa rin ng dating ng sagutan nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.
Sana nga matuloy ang co-production ng Star Cinema at GMA Films para magsama sa pelikula ang dalawa.
Sabi ni Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, nag-send na sila ng feelers sa Star Cinema at hinihintay na lang ang kanilang sagot.
Ang ganda sana kung sa Metro Manila Film Festival 2008 o Valentine’s Day sa 2009 ay movie ng dalawa ang mapapanood.
Marami ang nainggit kina Queenie at Kylie Padilla sa tig-isang regalong SUV sa kanila nina Robin Padilla at Liezel Sycangco, pero sabi ng actor, gagamitin ng mga anak ang mga sasakyan para sa realization ng kanilang mga pangarap.
Sa Don’t Lie to Me segment, inamin ni Snooky na dati niyang ka-loveteam ang umabuso sa kanya.
Iilan lang ang naka-loveteam ng actress at tiyak na may magre-react dito.
Si Ehra Madrigal ang guest sa Central Jury at mukhang nagka-crush pa sa kanya si Mo Twister.
Related News
No. of Views: 253 views
Tags: ABS-CBN, Diether Ocampo, GMA, KC Concepcion, Kristine Hermosa, Regine Velasquez, Richard Gutierrez, Robin Padilla
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













