Ruffa Gutierrez nairita kay Lani Mercado
March 3, 2008
Halatang iritado si Ruffa Gutierrez sa isyung nag-dedmahan umano sila ni Lani Mercado kailan lang sa isang lamay.
Sa bungad pa lang ng The Buzz, agad na sinabi ni Ruffa na handa siyang sagutin ang isyu. Eh, knowing naman Ruffa, very vocal siya at laging nagpapakatotoo.
Mariing sinabi ng TV host/actress na three days before sila magkita ni Lani sa isang lamay ay nagpang-abot daw sila sa birthday party ng isang TV executive. Ayon pa kay Ruffa, paalis na sina Lani at Sen. Bong Revilla.
That time na parating sila ng best friend na si Donita Rose, saka naman daw paalis ang mag-asawang Revilla. Nagkasalubong daw sila sa entrance ng nasabing venue ng party.
Binati pa raw ni Ruffa si Lani at nu’ng akma na raw niya itong hahalikan ay umiwas ang misis ni Sen. Bong.
Ganoon?
“Nagtaka ako. Bakit ano’ng nagawa ko? Naka- hang tuloy ang aking perfect pouting lips sa air,” sabi pa ni Ruffa.
Wala umanong problema kay Sen. Bong. Nag-beso raw sila ni Ruffa at nagbatian. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umiwas si Lani sa kanya.
May mga pagkakataon daw na binabati siya nito, minsan naman ay super deadma ang misis ng senador sa kanya.
Nilinaw ni Ruffa ang naganap din doon sa isang lamay. Aniya, kaya nang muli silang magkita ni Lani sa lamay kung saan solemn ang kapaligiran ay hindi na niya ito binati.
Ni hindi na raw nag-effort si Ruffa na makipagchikahan o bumeso rito. Baka raw mapahiya na naman siya. Nakakalokah!
O, baka maiwan na naman daw ang kanyang perfect pouting lips na naka-hang ulit sa ere. Minabuti na lang daw ni Ruffa na makipagchikahan kina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na naroon din that night.
Muli ay sinabi ni Ruffa, kung ang isyu pa rin sa kanila ni Sen. Bong ang iniisip ng ilan na ugat ng pagkakaganito ni Lani sa kanya, tantanan na raw siya.
Aniya, dalawa na ang anak niya at panahon pa ni Mahoma noong ma-link siya sa senador.
Related News
No. of Views: 117 views
Tags: Revilla, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













