Regine Velasquez, ‘di kayang iwanan si Ogie Alcasid

March 4, 2008







TAPOS na ang isyu. Nag-stay pa rin sa GMA-7 si Regine Velasquez at napanood ng televiewers ang  pagsasabi niyang siya’y mananatiling Kapuso.

Sa speech ni Regine sa SOP nu’ng Sunday ay  sinabi niyang nasabi niyang   gusto talaga niyang lumipat sa ABS-CBN  dahil may ibibigay sa  kanyang  show na bagay para sa kanya. Pero pinag-isipan niya ito nang husto.

Meron ding project ang GMA-7 for Regine kaya lang hindi ito tugma sa kanyang schedule.

Nanatili siyang Kapuso  dahil hindi niya mai wanan ang magandang samahan nila sa   SOP.

Malaki ang pasalamat niya  sa pang-unawang i-binigay sa kanya ng matataas na opisyales ng GMA na kinabibilangan ng presidente na si Atty. Felipe Gozon, Mr. Duavit, Ms. Wilma Galvante, Ms. Darling de Jesus, Ms. Hazel Abonita at iba pang kasama niya sa SOP.

Ang balita namin ay malapit nang simulan ni Regine ang isang hit Koreanovelang    ipinalabas last year na ang bida ay isang mature girl kung saan  mai-in love sa kanya ang dalawang younger men. Comedy at drama ang soap na ito na naging hit din sa GMA noon.

Samantala, masayang-masaya naman si Ogie Alcasid sa naging desisyon ng kanyang kasintahan na manatili sa GMA-7.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Diana Zubiri
Cassandra_Ponti_515
Angela Velez
Jenny Miller
Maja Salvador

 


Comments

Got something to say?





Advertiser