Sharon Cuneta likes Richard Gutierrez for daughter KC Concepcion
March 4, 2008
Recently ay maugong ang balitang nagkakamabutihan na raw ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion at ang young actor na si Richard Gutierrez. Kasabay pa nito ang usaping may nilulutong proyekto ang GMA Films at Star Cinema para sa dalawa.”I don’t want to comment,” ngiti ni Sharon. Pero nilinaw naman nito na she has nothing against Richard. Natutuwa naman daw si Mega at, so far, lahat ng nali-link sa kanyang dalaga ay matitino naman at disente.
“Sa awa naman ng Panginoong Diyos, magmula nang si KC started really seeing visitors at home or introducing her friends to us—mapababae, mapalalaki—sa awa ng Diyos, wala naman siyang in-introduce sa amin na medyo mag-aalala kami. If there’s one thing lang na I am very, very happy about is that KC is entertaining many, many, many… hindi naman many, many… pero ibig kong sabihin is hindi siya committed to anybody.”
Wala naman daw masama kung maging close friends ang dalawa. In fact, malaking advantage nga kung tutuusin ang family background ni Richard para makuha ang boto ni Shawie.
Paliwanag ni Mega, “But to have Richard as one of the friends that she sees nowadays, meron medyong… Meron akong sense of konting relaxation sa akin sapagka’t nandiyan ang Tito Eddie [Gutierrez] ‘tsaka Tita Annabelle [Rama].”
Hindi naman daw natatakot si Sharon kahit na kilalang palaban ang ina ni Richard na si Annabelle Rama. Hanga raw si Mega sa tapang at honesty nito kahit na minsan ay nagiging masama ang impression sa ibang tao.
“If there’s one thing about her na alam mo admirable, na wish ko lang matularan ko, ‘yong talagang ‘di baleng magtaray basta prangka at totoo,” seryosong pagpupuri ni Sharon kay Annabelle.
Related News
No. of Views: 573 views
Tags: Annabelle Rama, GMA, KC Concepcion, Richard Gutierrez, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














