Regine Velasquez nagpahabol lang pala sa GMA-7 kaya nag-apply sa ABS

March 5, 2008







Sa totoo lang, kahit umiiyak pa si Regine Velasquez sa SOP kung saan sinabi niyang nagdesisyon siya na huwag nang umalis sa GMA-7, parang malabnaw na ang dating niya sa publiko.

Bago  kasi  niya ibinulalas ‘yun ay nasabi na   ng mga taga-ABS-CBN na hindi naman daw siya inalok na lumipat sa kanilang network.

Sa totoo lang, si Regine naman kasi ang announce nang announce na wala naman siyang kontrata sa Siyete  at maaari siyang magtrabaho sa Dos.

Kaya nga nang bandang huli ,nagtataka rin  kami kung bakit naging issue ang paggawa niya ng isang tv drama sa ABS-CBN, na hindi naman pala talaga  inialok sa kanya kundi siya ang nagsabing gusto niyang gawin ‘yun.

Hindi rin   namin alam ngayon kung sino ang nagkalat na igagawa pa siya ng isang musical variety show ng Dos, dahil wala naman daw ganoong  balak.

Insulto pa  talaga dahil gumawa na ng announcement ang Kapamilya na  ang role na  hinahabul-habol  niya at dahilan  sana  ng pag-alis niya  sa SOP ay ibinigay lang  sa  isang starlet na si  Valerie Concepcion.  Biglang  bagsak tuloy ang level ni Regine.

Kahit na binigyan pa siya ng isang intro na mukhang ipinagmamalaki pa ng SOP na: “Tingnan ninyo, hindi ninyo naagaw sa amin si Regine,” mabilis naman ang tanong ng mga nakakapanood ng: “Bakit, may umagaw ba?”.

It remains to be a fact na nag-apply si Regine sa ABS-CBN at talagang desidido na siyang umalis sa Siyete  kung talagang kukunin  siya ng Dos.

Ngayon ay maliwanag na rin na hindi nagkaroon ng interest sa kanya ang ABS-CBN, kaya walang kaso ng sulutan. Walang kaso ng agawan. Walang sinusulot at walang inaagaw.

Inilako ni Regine ang sarili niya, pero hindi kinagat kaya siya nagbalik sa Channel 7.
*  *  *
Medyo nagbago ang  ihip  ng hangin at ipinagtatanggol ni Kuya Germs  si Angel Locsin.

Walang dudang  nainis  din ang master showman nang biglang lumipat   si Angel  sa kalaban nilang network, pero nang nilalait na si Angel dahil hindi sumampa sa ratings ang seryeng ginawa niya, ipinagtanggol naman ni Kuya Germs ang kapwa niya artista.

Huwag naman daw sisihin si Angel dahil baka hindi naman siya ang problema.
Sa  palagay ni Kuya Germs,  walang problema sa project.

Baka  raw dahil sa inis ng mga  tao  sa Meralco at NLEX ay ang ABS-CBN ang napagbabalingan ng ‘paghihiganti’ ng publiko.

Alam ninyo, may punto si Kuya Germs. Kasi kami lang, gusto na naming panoorin ang show ni Angel, pero basta naaalaala namin na Meralco ng mga  Lopez ang nagpapamahal sa bayarin sa kuryente, lumilipat na lang kami  sa programa ng GMA-7.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Riza Santos Photo Gallery
Jennifer Lee
Asia Agcaoili
Joyce So Picture Gallery
Marian Rivera Picture Gallery
Asia Agcaoili

 


Comments

Got something to say?





Advertiser