Valerie Concepcion bagong girl ni Vhong Navarro
March 5, 2008
Si Valerie Concepcion ang kinuhang bagong leading lady ni sa pelikulang Supah-Papalicious na siya ring latest hit single ni Lastikman.
Pahinga muna si Toni Gonzaga bilang ka-love-team ni Vhong kasi ayaw daw ni Toni na gumanap bilang isang nanay sa pelikula.
Kasi sa istorya ‘yung ga-ganap na leading lady ni Vhong ay may anak na isang 10-year-old kid na ginagampanan ni Makisig.
Eh, believable naman si Valerie na may anak sa mo-vie dahil may anak naman talaga siya sa totoong buhay. Pero, kahit nanay na siya, ang lakas pa rin ng kanyang sex appeal.
Nakabisita kami sa shooting ng movie sa Market Mar-ket at sa eksenang nagdamit- lola si Vhong sabay hataw ng sayaw kasama si Makisig sa isang dance contest kuno ay hindi na kami mapigilan sa kakatawa.
Ang galing talaga ni Vhong sa comedy at panay ang puri ni Direk Gilbert Perez sa kanya.
Si Vhong na raw talaga ang bagong comedy prince ng bansa. And we agree 101percent
Ngayon palang ay alam na namin na magiging superblockbuster paglabas nito sa mga si-nehan sa March 22.
Malaki ang posibilidad na matatalbugan pa nito ang pelikulang D’ Anothers ni Vhong and Toni.
Bale first comedy film ito ni Direk Gilbert Perez under Star Cinema.
Related News
No. of Views: 164 views
Tags: Toni Gonzaga, VALERIE CONCEPCION
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














