Lani Mercado, nag-apologize kay Ruffa Gutierrez
March 6, 2008
NAKAUSAP si Lani Mercado ng mga GMA-7 reporter sa airport noong Miyerkules ng gabi bago tumulak pa-Amerika kasama ang asawang si Sen. Bong Revilla.
Ayon sa isang source, napaiyak si Lani sa TV interview dahil sana raw, hindi na lang nagkagulo ng ganito ang mga taong malalapit sa kanila.
Sa gitna ng pag-iyak, humingi raw ito ng paumanhin o dispensa kay Ruffa kung pakiramdam ng huli’y nabastos o na-isnab niya ito nang magkita sila sa birthday party ng GMA-7 exec na si Wilma Galvante.
Maging si Sen. Bong ay personal na nakiusap na huwag nang palakihin ang gulo at hayaan na lang na magkaayos ang magkabilang kampo sa tamang panahon.
Ngayong Biyernes nakatakdang tumanggap ng parangal na 2008 Filipino-American Vision Award for Courage and Honor ang actor-politician mula sa samahang NuVision Worldwide Media sa Kodak Theatre.
* * *
GAANO katotoo ang balitang malapit nang ikasal ang dating presidential son na si Jude Estrada?
Isang source ang nagsabing childhood sweetheart ng younger brother nina Sen. Jinggoy at Jackie Ejercito ang non-showbiz girl na pakakasalan.
In fairness daw to the girl, hindi lang ito maganda, well-off pa ang pamilya’t kapitbahay ng mga Ejercito.
* * *
MASAYANG ibinalita ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment at controversial mom na si Annabelle Rama na pumapalo na sa P140 million ang box-office gross ng Regal-GMA Films Valentine offering na My Bestfriend’s Girlfriend.”
Going fourth week na sa mga sinehan ang naturang Marian Rivera-Richard Gutierrez starrer, pero patuloy pa ring pinipilahan.
Ang akala nga raw ni Tita Annabelle ay ipu-pullout na ang BFGF nu’ng Miyerkules, pero laking gulat niya nang may magbalitang tuloy pa rin ang theater run ng blockbuster Mark Reyes megger.
Samantala, habang balita na sa April pa sisimulan ang shooting ng My Monster Mom nina Tita Annabelle at Ruffa sa Regal, dinig nami’y matamang pinag-uusapan na rin ang tungkol sa Richard-KC Concepcion team-up na type i-co-produce ng GMA Films with Star Cinema.
That is, oras na pumayag ang film arm ng ABS-CBN na tanggapin ang alok na pagsamahin ang dalawang malalaking artista na sinasabing tatapos sa umiigting pa ring war ng mga higanteng istasyon. IFF
Related News
No. of Views: 420 views
Tags: ABS-CBN, Annabelle Rama, GMA, KC Concepcion, Marian Rivera, Revilla, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














