Cristine Reyes niloloko lang si Papi

March 7, 2008







KABI-KABILA ang pag-atake ngayon kay Cristine Reyes. Kaya pa kaya ng powers ni Ara Mina na ipagtanggol ang nakababatang kapatid?

Ayaw sana naming okrayin ang dalaga bilang respeto kay Willie Revillame  at sa ilang taong malalapit din sa amin na mahal si Cristine, pero nakakaloka siya.

Matapos    ng    ilang linggo niyang pagdi-deny tungkol sa umano’y relasyon nila ni Papi, heto’t super co-host siya sa Wowowee at promote pa ever ng pelikula nila.

Maging ang mga kaibigan namin sa Bacolod City, U.S.A, at Dubai ay nagtatanong kung bakit naroroon si Cristine.

Aba, malay!

Sa totoo lang, maging ang ilan naming kasamahan sa panulat ay naplastikan sa ginawa ng aktres na ito.

Eh, kaso, bulag nga ang pag-ibig, ‘di ba? Sa kabila ng lahat ay nananatiling masaya ang mundo ni Willie sa piling ni Cristine.  Halatang inspirado si Papi kahit ganito ang mga kaganapan.

You and me against the world ang drama nila, huh?!  Nangingislap pa rin ang mga mata ni Willie sa tuwing nasa tabi niya ang aktres.  Hindi niya ito maitatanggi.

Kahit ang isang grade one pupil ay makapagsasabing  maligaya si Willie  ‘pag nariyan si Cristine. Sana nga ay hindi totoo ang balitang pinapaikot o niloloko lang ni Cristine si Willie kagaya ng ginagawa niya sa mga taong nagmamahal din sa kanya –ang pamilya niya, ang kanyang Ate Ara (Mina). Ito kasi ang usap-usapan ngayon.

Ang masasabi namin, alam mo Ineng, ilan lang ang pinagkakalooban ng Panginoon ng taong nagmamahal sa kanila nang tapat. Kapag nasa ‘yo na ang ganitong oportunidad ay huwag mo na itong pakawalan.

‘Pag dehins mo pa na-gets ‘yan, mas bagay ka nga sa aktor na   una mong  minahal. ‘Yun na!
*  *  *
BLIND ITEM:
Sa kabila ng pagdi-deny ng magka-loveteam na hindi sila mag-on, hindi pala sila  dapat paniwalaan.

Ayon   pa sa chikang nakarating sa amin, matagal na raw  na may relasyon ang mag-love-team na ito.

In fact, lagi pa raw nagbababad  ang girl sa condo ng boylet sa may bandang Cubao kung saan dati itong naninirahan.

Dagdag pang chika ng aming source, panay pa raw ang harutan ng loveteam na ito at late na kung  umalis ang singkit na girlet sa condo ng kanyang cute na ka-love-team.

Eh, kaso, lumipat na ng tirahan ang guwapong aktor sa may bandang Tandang Sora kung kaya’t medyo dumidistansiya muna ang girl sa pagpunta bahay nitong bago.

Tinanong namin ang  aming kausap kung bakit kailangan pang dumistansiya,  eh, magdyowa naman sila?

Para umano hindi magulantang ang neighborhood chorva na sa kabila ng pagdi-deny nila ay may relasyon talaga silang dalawa.

Naku, eh, nagpupunta na nga sa bahay, noh?! Sikat ang magka-love-team na ito.
At ngayon, kahit ma-link sa kung kani-kanino  ang boy-let, hindi na kami maniniwala dahil sila pala talaga ang magdyowa.
*  *  *
MALAYO na ang nararating ng isyu tungkol kina Ruffa Gutierrez at Lani Mercado.  Araw-araw ay tila lumalaki ang isyu at ilan na rin ang mga taong nadadamay.

Talagang tineks pa kami ng ilang kaibigan namin mula sa Bacolod City  tungkol sa naging pahayag ng kasamahan namin sa panulat na si Ogie Diaz.

Nagbigay ng pahayag si Ogie sa UMG  tungkol sa mga sinabi ni Anabelle Rama sa kanya.

Sa puntong ito ay naiintindihan namin si Tita Anabelle. Lagi naman siyang  handang ipagtanggol ang mga anak ‘pag nalalagay ang mga ito sa alanganin, lalo na si Ruffa.

Pero, nauunawaan din namin ang nais  iparating kay Tita Annabelle ni Ogie. Lahat ay nadadaan sa mahinahong pakikipag-usap. ‘Yun na.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Vina Morales
Jocelyn Oxlade 590
Michelle Madrigal
Mary Jean Maycon
Diana Zubiri
Jamila Obispo

 


Comments

Got something to say?





Advertiser