Cristine Reyes: Happy ako sa ABS-CBN

March 9, 2008









FINALLY, kinumpirma na ni Cristine Reyes na lilipat na siya sa ABS-CBN. In fact, she’s now looking forward to doing her first teleserye sa Kapamilya, ang Eva Fonda 16.

“Kung ako talaga ang tatanungin kung saan ko mas gusto, happy na ako sa ABS-CBN and I’m hoping na pabayaan na ako ng GMA-7,” ani Cristine nang makausap namin last Saturday night sa Zirkoh, Timog, kung saan ay guests sila ng ate niyang si Ara Mina sa show nina Luke Mejares at Duncan Ramos.

Actually, sinabi na raw niya sa GMA-7 ang desisyon niya, pero pinipigilan siya at inaalok ng teleserye.

“Siguro hindi ko na sasabihin kung ano ’yung teleserye, pero bago pa man sila nag-offer, buo na talaga ang desisyon ko na lumipat at tanggapin ang offer ng ABS-CBN. Alam pong lahat ’yun ng GMA-7, sinabi ko po sa kanila,” aniya.

Pero, hindi naman daw puwedeng hindi siya pakawalan ng GMA-7 dahil wala na siyang kontrata sa said network at ito rin daw ang sabi ng kanyang abogado.

“So, I’m hoping na sana, makuha na lang sa magandang usapan. Payagan na nila ako kung saan ako masaya,” she said.

Masaya raw siya sa ABS-CBN dahil napakaganda ng treatment na ibinibigay sa kanya mula sa mga staff hanggang sa big bosses.

Tungkol naman sa Eva Fonda 16, ani Cristine,  hindi pa siya puwedeng magbigay ng detalye dahil may inaayos pa raw and she has also yet to sign a contract with ABS-CBN.

Pero, inamin niyang naghahanda na riya for the role and in fact, nabasa na niya ang script.

Nabalitaan nga raw niya na sinabi ni Alma Moreno (original star of Eva Fonda 16, the movie) na happy   ito at siya ang napili for the role.

Alam din daw niya na sexy ang project, pero confident naman  siya na makakaya niya dahil mas mild ang sexy elements nito compared sa movie version.

Alam na rin daw ni Dennis Trillo ang kanyang desisyon dahil sinabi na niya sa aktor.

“Medyo sad siya, pero sabi niya, kung saan daw ako masaya, okay lang,” she said.

Wish na lang ni Cristine na tanggapin na ng GMA-7 ang kanyang naging desisyon.

“Sana maintindihan nila ako at sana maging masaya na lang sila para sa akin.”

So, wala na talagang urungan ito? “Wala na po,” kaagad niyang sagot.

Then, we could say na kontrata na lang ang kulang at certified Kapamilya na si Cristine.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Patricia Javier
Diana Zubiri
KC Concepcion
Aubrey Miles
Michelle Madrigal
jen_lee_2.jpg

 


Comments

Got something to say?





Advertiser