Dingdong Dantes, highest paid Bench model
March 9, 2008
BONGGA ang launching ni Dingdong Dantes bilang bagong mukha ng Bench Body sa activity center ng Trinoma kamakalawa ng hapon.
Disappointed nga lang ang ilang press dahil hindi nag-trunks ang ka-partner ni Marian Rivera sa Marimar.
Habang rumarampa, hindi maikakaila sa mukha ng actor ang labis na kasiyahan.
Pagkatapos ng launching sa Trinoma, tumuloy ang actor at iba pang Bench models sa may Guadalupe Bridge para saksihan ang unveiling ng napakalaking billboard ni Dingdong.
Dahil sa gilid ng bridge ito inilagay, kinailangan pa kaming sumakay ng ferry para makita nang malapitan ang hitsura ng actor.
Saksi ang mga reporter sa bonggang pag-aalis ng takip sa billboard ni Dingdong.
Take note, ha, sampung katao ang nakita namin sa itaas na hawak ang telang tumatabing sa higanteng billboard at tig-apat na tao naman ang nasa magkabilang side.
Kasabay ng unveiling ang isang bonggang fireworks display.
Habang nasa ferry kami kasama si Dingdong at ang Bench owner na si Ben Chan, nalaman naming first time pala ng actor na sumakay sa ferry boat at first time rin niyang magka-billboard.
First time rin daw niya magpakuha nang naka-trunks, kaya limang buwan niya itong pinaghandaan.
Dapat bang ma-insecure sa kanya ang iba pang image models ng Bench?
Ani Dingdong, “Wala silang dapat ika-in-secure. May kanya-kanya kaming brand na iniendorso. Nakahanda rin akong sumuporta sa magiging bagong model ng Bench.”
Bago kami bumaba ng ferry, tinanong namin si Mr. Chan kung si Dingdong nga ba ang highest paid model nila at kung magkano ang billboard nito.
Pero, paiwas niyang sagot, “Salamat sa inyong pagdating at pagsuporta. Waiter, magdala ka pa ng pagkain dito para hindi na sila makapagtanong.”
Related News
No. of Views: 1,181 views
Tags: Bench, Dingdong Dantes, Marian Rivera
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Dingdong Dantes, highest paid Bench model”
Got something to say?















go..dingdong sna sa mga nkmit muhh ngyon ay di k mgbago,,,i am one of your fan im gonna cheer you chill k lang sa mga problem muhh alagaan muhh din health muh ok..and pti c carille wag mu pbayaan tnxxx