Maja Salvador at manager nagkaayos na

March 9, 2008









NakaTUtuwang malaman na  nagkaayos na sina Maja Salvador at ang mana-ger niyang si Chit Ramos.

Nakausap namin si Maja sa presscon ng Banana Peel      ( brand ng cute na flip flops) na kanyang ini-endorse at ki-numpirma ni Maja na isang mahigpit na yakap ang isina-lubong sa kanya ng manager matapos ang ilang buwan nilang tampuhan.

Nagpunta si Maja sa libing ng dakilang ina ng mga batikang manunulat na sina Manay Ethel Ramos, Len Llanes at Tita Chit sa Loyola Memorial Park (Marikina).

Ayon pa sa nakakita kay Maja roon, hindi siya ‘yung tipong nagpakitang-tao lang, nasa isang sulok lang daw ito hangga’t sa nilapitan siya ni Tita Ethel at kinausap.

Aminado si Maja na kahit hindi pa agad-agad na na-ibabalik sa dati ang lahat, uma-asa siya na magiging maayos din ang gusot sa pagitan nila ng nakatampuhang mana-ger.

“Si Tita Chit pa rin ang manager ko. Hanggang August 2008 pa ang aming kontrata. Bale, co-managed din po ako by Star Magic.”

In fairness, bongga si Ma-ja. Isa siya sa iilan lamang sa mga bagets na artistang maraming product endorsements.

Bukod sa cute and affordable Banana Peel Flip-flops, nariyan ang Menuto Minute Meals, Sunsilk, Sun Cel at Lewis and Pearl cologne.

Second year na pala ito ni Maja bilang modelo ng Ba-nana Peel, keri naman ng da-laga ang mga ganitong flip-flops lalo na ‘pag naka-casual attire siya.

Kinumpirma rin ni Maja na si Rayver Cruz na ang ka-loveteam niya. Mapapa-nood sila sa Your Song.

Eh, kamusta naman si Carlo Aquino? Nali-link ito sa kanya at may itinatago umano silang relasyon, ‘di ba?

Mariing itinanggi ni Ma-ja na boyfriend niya si Carlo. Hindi na raw sila nagkikita  ngayon. Minsan na lang.

Nagkikita umano sila ‘pag may family gathering lang. Ganoon?

Hindi pa sila sa lagay na ‘yan, huh?!

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cindy Kurleto
Assunta de Rossi
Nicole Hernandez Picture Gallery
Asia Agcaoili
Riza Santos Photo Gallery
jenny_hernandez_2

 


Comments

Got something to say?





Advertiser