Payo ni Yeng Constantino sa future PDA scholars

March 9, 2008







KATORSE pa lang si Yeng Constantino, kayod to death na siya para suportahan ang pag-aaral ng mga kapatid at bigyan ng magandang buhay ang mga magulang.

Kaya naman nang makarating sa kanya ang paratang na addict ang kanyang ama, ’di nito napigilang magalit sa mga nagpaparatang.

“Nasa abroad po ako nang makarating sa akin ang balitang sinabihan daw na addict ang tatay ko. Grabe naman silang magparatang. Payat po talaga ang tatay ko dahil may hika. Hindi po siya addict,” say ni Yeng nang humarap sa press nu’ng Friday.

“Tirahin na nila ako, huwag lang ang pamilya ko. Kaya nga ako nagsisikap, eh, para sa kanila. Masakit sa aking marinig ang paninira sa tatay ko. Sana bago sila magsalita ng hindi maganda, siguruhin muna nila,” dagdag pa ni Yeng.

Anyway, sikat na talaga ang PDA grand winner kaya naiintriga.

Bukod sa pagkakaroon ng triple platinum debut album, sold-out solo concert, world tour at awards, released na rin ang kanyang sophomore album na Journey.

Sa Mayo, magkakaroon na naman ng enrollment para sa Season 2 ng Pinoy Dream Academy at tulad ni Yeng, ilang buhay na naman ang magbabago at ilang pangarap ang matutupad.

Payo ni Yeng sa future PDA scholars, i-enjoy ang pananatili sa loob ng academy at maging totoo lang sa mga sarili.

“Once in a lifetime experience lang ’yan, kaya i-todo n’yo na. Ipakita n’yo ang lahat ng inyong nalalaman, makinig sa mga teacher, maniwala sa musika n’yo at higit sa lahat, magtiwala sa Itaas,” paalala pa ng singer.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Aliya Parcs
KC Concepcion
Kristine Jaca
Asia Agcaoili
Amanda Griffin
Bea Alonzo

 


Comments

One Response to “Payo ni Yeng Constantino sa future PDA scholars”

  1. tix on March 15th, 2008 1:33 am

    OT: see, CHURVERS?? what happened? how’s your group doing? i’m not mocking but this is the prob in supporting a tandem.. when it gets personal you cannot do anything but to side with the other and lose energy… but honestly, this is i think, RJ’s problem.. he’s inconsistent.. very much like a fagot.. oh well, we’ll see.. i don’t think RJ is serious with yeng eversince.

Got something to say?





Advertiser