KC Concepcion sisirain ang record ni Sharon
March 10, 2008
Sinasabi nila na ang loveteam na nakapag-akyat ng pinaka malaking pera, ibig sabihin ay nakagawa ng pinaka malaking hit sa una nilang pagtatambal ay sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Pagkatapos ng kanilang blockbuster na Dear Heart, nasundan pa iyon ng marami pang hit movies na pinagtambalan nilang dalawa, at siguro nga kung hindi nagkaroon ng problema at nagkahiwalay sila, baka hanggang ngayon hit pa rin ang kanilang love team.
Ngayon naman, ang mismong anak nina Sharon at Gabby na si KC Concepcion ang sinasabi nilang posibleng makasira ng record sa takilya ng kanyang mga magulang kung magagawa nga niya ang pelikulang kasama si Ri-chard Gutierrez, na itinuturing namang pinakasikat na matinee idol sa ngayon, at tinatawag ding prinsipe ng prime time television.
Aba kung ikukumpara lang naman ang popula-ridad ni Richard kaysa roon sa sinasabi ng Star Cinema na gagawin nilang leading men ni KC na sina John Lloyd Cruz o maski na si Piolo Pascual, di hamak na mas lamang si Richard. Talo niyang lahat sa ra-tings ng TV series niya iyang mga iyan eh. Isa pa, marami ang nagsasabing mas bagay at nagko-compliment ang hitsura nilang dalawa ni KC. Mukhang mas bagay sila.
Iyong John Lloyd kung sinu-sino na ang partner noon, hindi naman talaga masyadong kinakagat ng publiko. Kung si Piolo naman, ano ang role nila, mag-tiyuhin?
Kung pagbabasehan ang popularidad ni Richard ngayon, lamang siya kaysa sa katayuan ni Gabby noong araw.
Kung ang pagbabasehan naman ay ang ka-tayuan ni KC sa ngayon, lamang din siya dahil noong nagsimula si Sharon singer lang.
Ngayon si KC ang daming commercials na napapanood sa tv. Kaya posible nga na kung magkakasama sina KC at Richard, mas malaking hit iyan kaysa sa Sharon-Gabby movie noon.
Related News
No. of Views: 260 views
Tags: Gabby Concepcion, John Lloyd Cruz, KC Concepcion, Piolo Pascual, SC, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














