Lolit Solis pinagpa-public apology ni Annabelle Rama
March 10, 2008
Tinuldukan na ni Ruffa Gutierrez ang gulo sa pagitan nila ni Manay Lolit Solis. Tumagal nang ilang araw ang talakan portion nila sa ere at mga pahayagan since sumali na nga si Annabelle Rama para proteksyunan ang anak.
Mariing sinabi ni Tita Anabelle sa kanyang panayam sa The Buzz na titigilan na rin niya ang isyung ito. Nandoon lamang daw siya para mag-explain ng side niya.
Si Lani Mercado ang sinisisi ng ina ni Ruffa kung bakit lumala nang husto ang isyu at umabot sa hindi nila pagkaka-ayos ni Manay Lolit.
Ang punto ni Tita Annabelle, imbes daw kasi na payuhan ni Lani na tumigil na sa kakasalita si Manay Lolit at the height of the issue ay kinunsinti pa raw nito ang manager.
Isang public apology ang hinihingi ng ina ni Ruffa mula sa manager/kolumnista. Sabi ni Tita Annabelle, bago niya tuluyang mapatawad si Manay Lolit, she demands a public apology dahil sa mga sinabi umano nito against Ruffa.
Sa ilang panayam din kay Tita Lolit ay sinabi nitong nanghihinayang din siya sa maraming taon na pagkakaibigan nila ni Tita Annabelle kung kaya’t nais din niyang matuldukan na ito. Pero, binagsakan daw siya ng telepono ng ina ni Ruffa.
Ngayon ay titigilan na umano ni Manay Lolit ang kadadaldal dahil aminado siyang dahil diyan ay napapahamak lang daw siya. Umaasa rin ang dakilang manager na titigil na rin umano si Tita Anabelle sa kakasalita about her.
Sinabi naman ni Ruffa na gusto na niyang matapos ang isyu ng ito. Napanood daw niya si Manay Lolit sa Startalk at gusto na rin niyang wakasan ang isyu. Alam niyang mahal din siya ni Tita Lolit sa kabila ng lahat.
Related News
No. of Views: 117 views
Tags: Annabelle Rama, Lolit Solis, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














