Maegan Aguilar ‘binuhay’ ang awitin ng amang si Freddie Aguilar

March 11, 2008









Megan AguilarBongga ang naging album launch ni Maegan Aguilar sa Central Plaza ng Eastwood City, Libis  Quezon City no-ong Sabado ng gabi.

Hindi lang kinanta ni Maegan ang ilan sa songs sa kanyang bagong self-titled album under Dyna Music kungdi nagpakitang-gilas din siya sa pagtugtog ng drums at electric guitar.

Nagmistulang isang concert nga ang nangyaring album launch dahil pinagbig-yan ni Maegan ang requests  ng mga manonood.

Nagi-enjoy ang lahat habang kikananta ni Maegan ang sariling versions niya ng  kinagiliwan noong awiting  Estudyante Blues  na orihinal ng tatay niyang si Freddie Aguilar, at Nosi Ba Lasi  ni Sampaguita na naging hit din noon.

Pinalakpakan din nang husto ang ginawa niyang     performances  tulad  nang kantahin niya ang international hit  na Zombie ng Cranberries.

Na-impress din nang husto ang lahat nang kinanta ni Maegan ang kanyang originals sa kanyang new album tulad ng Chismis Addict na very upbeat ang tempo na mala-Shakira ang dating.

Nagustuhan din namin ang carrier single niya na Di Kita Maiwasan.

Seksing-sexy si Maegan sa suot niyang very revealing outfits.

Nakakahawig nga niya si Aubrey Miles na naging roc-ker nang gabing ‘yun.

At 28 years old ay may asawa na pala siya, pero hindi ‘yun naging hadlang sa pagpapatuloy niya ang kanyang passion, ang musika .

To see more of Mae-gan, may regular show siya every Wednesday sa Tien-desitas.

Sulit talaga kung mano-nood kayo  ng show niya kasi she’ll blow you away sa galing niya sa pagkanta, pag-drum, paggitara , at pag-perform sa kabuuan.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Patricia Javier
Cindy Kurleto
Jaymee Joaquin 815
Mary Jean Maycon
Nicole Hernandez Picture Gallery
Joyce So Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser