Roxanne Guinoo, Joross Gamboa nagkabalikan
March 13, 2008
Sa unang pagkakataon, after a long, long time ay magsasama-sama sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa isang madramang episode ng MMK!
Base sa story-gathering efforts na ginawa ng MMK team sa Iloilo, bibigyang buhay nina Joross at Roxanne ang kuwento ng dalawang indibidwal na tila natadhana yatang hindi talaga magka-tuluyan dahil sa tawag ng paninilbihan sa Diyos.
Malapit man sa totoong buhay ang tema, hindi pa rin nagdalawang isip ang dalawa na tanggapin ang project, dahil na rin siguro, kung patototohanan ang intriga, ay pa-reho namang single ang da-lawa ngayon at walang mga better halves na papalag sa muli nilang tambalan!
Masaya rin si Direk Nuel Naval sa naging performance ng dalawa, patunay lang na talagang na-hone na ang mga dramatic acting skills ng dalawa who go a long way since ng kanilang Star Circle Quest.
Magpapahinga muna rin si Roxanne sa pagpapasexy dahil sa nasabing episode ay balot na balot ang yong actress sa MMK.
Abangan ang muling tambalan nina Joross at Roxanne sa MMK ngayong gabi sa Primetime Bida!
Related News
No. of Views: 160 views
Tags: Roxanne Guinoo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














