Willie Revillame enjoy kay Cristine Reyes

March 13, 2008







Iba talaga ang aura ni Willie Revillame ngayon.

In the mood ang actor/TV host na makipag-chika-han nang makita namin sa opening ng Belo Clinic sa Trinoma Mall at agad nitong sinagot ang mga katanungan tungkol sa kanila ni Cristine Reyes.

Malinaw na sinabi ni Papi, na hindi niya nililigawan si Cristine, pero aminado ang TV host na nagi-enjoy siya ‘pag nariyan kasama ang babaeng nauugnay ngayon sa kanya.

“Siyempre, bata eh. Ma-sayahin siya, makulit. Pero hanggang doon lang muna.”

Dagdag pa ni Willie, hin-di niya nililigawan si Cristine, naniniwala naman daw kasi siya na ang isang relasyon ay mas maganda ‘pag  nadi-deve-lop.

Oo nga naman, may  punto si Papi.

Aware rin si Willie sa balitang may bago nang boy-friend umano ang anak ni-yang si Meryll Soriano.         Muli ay sinabi ni Willie, pagdating sa bagay na ‘yan ay ayaw niyang makialalm sa desisyon ng anak.         Sinabi rin ni Willie na kahit hindi niya masyadong nakikita ang iba niyang mga anak ay naroon talaga ang pagnanais niyang makasama ang mga ito.

Busy pa raw kasi siya nga-yon lalo ‘pa’t ang daming magaganap na changes sa Wowowee nitong mga dara-ting na araw.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit excited si Willie ay dahil may pelikula siyang gagawin sa ilalim ng direksyon ni Tony Reyes.         Yes, ang magaling na direktor ni Vic Sotto sa kan-yang mga pelikula ay ididirehe na rin si Papi.

Sabi pa ng TV host: “Para sa akin ay isang malaking karangalan ‘yon, biruin niyo direktor siya ni Vic tapos     iga-gawa rin niya ako ng pelikula?”

Mr. Housewife ang working title ng pelikulang ito at istorya ng isang asawang may mga inaalagaang anak ang karakter ni Papi rito.

He is yet to read the script pero, sabi ni Willie ay heart warming daw ito at pampa-milya talaga.

Isa pang dahilan kung bakit masaya at abala si Willie ay ang tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa Wo-wowee.

Abangan na lang daw na-ting lahat kung ano ito sa darating na March 31-Lunes. As in, big change talaga.

‘Yun na!

*   *   *

Nabanggit din lang ang mga pagbaabago sa Wowo-wee,  ilang televiewers ang napukaw ang kuryusidad at nagtatanong.             Kasama na raw ba si Cristine Reyes sa pagbabagong magaganap sa paboritong noontime show nila?

May taga-New Jersey, U.S.A. pa  ngang nagtanong sa amin kung magiging permanente na si Cristine sa oras na magbagong-bihis ang prog-rama?

Sa tingin namin ay isa nga si Cristine sa mga sorpresa ng Wowowee sa lahat. Kasi kahit hindi man direktang sabihin ay parang semi-regular na ang exposure ng dalaga na nag-umpisa sa guesting lang.

Nu’ng first two guestings ni Cristine, parang tuod talaga  siya.

Marami nga ang nawindang sa kanya.

Pero   nang muling nag-appear si Cristine sa Wowo-wee  ay nag-dance number pa ang aktres at sabi niya ay first time ever daw siya pinuri ng Mommy Frances niya dahil nanonood ito that time.

Siyempre, natuwa naman si Willie nu’ng marinig ito.

Hindi man namin gusto ang dalaga pero wala rin kaming personal na galit or whatever sa kanya.

Heto nga’t nag-improve na siya sa  hosting style niya at mas lively na siya kumpara nu’ng nakaraan.

Hindi rin kaila na masaya si Willie ‘pag nari-yan  si Cristine sa paligid kung ka-ya’t nagiging kuwela ang  ba-tuhan nila ng biruan sa ere.         May kilig factor na ito sa audience.

Tuksuhan galore.

Ganoon talaga ‘pag love is in the air.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Jamila Obispo
Isabel Roces
Bea Alonzo
Nancy Castiglione
Aubrey Miles
Maja Salvador

 


Comments

Got something to say?





Advertiser