Luis Manzano pasok sa PBB Teen Edition Plus
March 14, 2008
HINDI talaga nauubusan ng sorpresa si Kuya dahil sa muling pagbubukas ng bahay niya para sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus, maraming “plus” rin ang inaasahang mangyayari – isa na rito ang pinakabagong host na si Luis Manzano.
Makikigulo na nga si Luis sa ikalawang season ng PBB Teen Edition Plus at sasamahan ang mga girls ni Kuya na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez at Mariel Rodriguez upang ihatid ang latest na kaganapan sa loob ng bahay niya.
Talaga namang dream come true para sa binatang aktor ang bago ni-yang project lalo pa’t PBB fan din ang kanyang ina at Star for All Seasons na si Governor Vilma Santos. Kaya naman, excited na excited na siyang magsimula.
Malaki rin ang pasasalamat ni Luis sa tiwalang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN dahil bukod sa PBB Teen Edition Plus, MYX at Entertainment Live, may iba pang shows na nakaline-up na para sa kanya at may dalawa ring pelikulang nakatakda niyang gawin under Star Cinema.
Mapapanood sa PBB Teen Edition Plus Primetime si Luis kasama ang resident host ni Kuya na si Toni; si Mariel sa PBB Teen Edition Plus Uber; at si Bianca naman sa PBB Teen Edition Plus Update at iba pang special assignments.
Last week ay pinamigay na ni Kuya ang 30 dreams keys sa kanyang 30 potential teen housemates at araw na lang ang binibilang bago sila tuluyang ilantad sa publiko.
Sino sino na nga ba ang mapapalad na teen housemates na papasok ng PBB house? Ano kaya ang pinakaunang task na kailangan nilang pagdaanan? Ilan at anong “plus” pa kaya ang da-pat nating abangan mula kay Kuya?
Wala ng bibitiw pa sa kapanapanabik na pagsisimula ng inaabangang reality show ng bansa na hindi lang basta tumutupad ng pangarap, kung hindi nagbabago rin ng buhay – Pinoy Big Brother Teen Edition Plus sa Marso 23 (Linggo) na at may primer ngayong Linggo (Mar 16), 9:45 p.m. sa ABS-CBN.
Related News
No. of Views: 222 views
Tags: ABS-CBN, Luis Manzano, Mariel Rodriguez, PBB, Pinoy Big Brother, Toni Gonzaga
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













