Unawaan nila ni Angel Locsin, inamin ni Luis Manzano

March 14, 2008







MARAMING plus pala ang inaasahang mangyayari sa ikalawang season ng PBB Teen Edition kaya ito naging PBB Teen Edition Plus.

Isa na nga rito ang pinakabagong host na si Luis Manzano, na makakasama ang resident host na si Toni Gonzaga, si Mariel Rodriguez ng PBB Teen Edition Plus Uber at Bianca Gonzales naman ng PBBTE Plus Update.

Magsisimula na ang PBBTE Plus sa March 23, papatak sa Pasko ng Pagkabuhay, at may primer this Sunday, March 16,  9:45 p.m., sa ABS-CBN.

Ito marahil ang ginawa ni Luis. Hindi lang niya pinangarap ang isang Angel Locsin, nakuha pa niya ang big dream sa pag-amin sa amin sa preskon ng PBBTE Plus hosts na meron na silang “understanding” ni Angel.

“Ah, Luis… halimbawa lang… halimbawa lang, ha, kung si Angel ay may lahing taong lobo, mahalin mo pa kaya siya?” hirit na tanong ng yours truly.

“I don’t think naman it matters kung anong lahi, kung anong breed niya, kung poodle ba (laughs) or lobo siya. I don’t think it really matters. Basta ’yun lang sa aming dalawa… may  understanding kami.”

“Kahit manananggal pa siya?” hirit uli ng yours truly.

“Kahit tikbalang pa, hahaha!” salo agad ng binata nina Gov. Vi at chairman Edu.

Ganu’n? Well, if that’s not true love, then tell us what it is, tsuk!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cindy Kurleto
Angel Locsin
Maja Salvador
Alicia Mayer
Patricia Javier
Sheree

 


Comments

One Response to “Unawaan nila ni Angel Locsin, inamin ni Luis Manzano”

  1. tix on March 15th, 2008 1:36 am

    fans shouldn’t meddle with ‘love’ issues.. too personal for us to intercede… let’s not cross our line.. that’s their decision it’s not ours… stop judging the way you see it… you’re neither angel nor luis

Got something to say?





Advertiser