’Di ako kasali sa network war — Robin Padilla
March 17, 2008
FIRST time nina Ai Ai delas Alas at Robin Padilla na magkakasama sa isang pelikula. Si Ai Ai ay identified sa Dos at si Robin naman ay nagwu-work ngayon sa Siyete after ng kontrata niya sa ABS-CBN.
Ayon kay Robin, h indi siya kasali sa network war ng Dos at Siyete.
“Hindi ako kasali sa network war na ‘yan. Ang gusto ko lang naman ay maka-pagtrabaho,” wika pa niya.
Bagama’t magkaiba ng istasyong kinabibilangan sina Ai Ai at Robin, nagawa naman silang pagsamahin ng Viva Films para sa pelikulang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy.
Gusto ni Robin na makapag-promote sa Dos ng movie nila ni AiAi. Ang tanong lang, eh, kung papayagan siya ng Siyete.
Si Ai Ai, wish ding mai-promote ang movie nila sa Siyete, pero katulad ng sitwasyon ni Robin, payagan din naman kaya siya ng Dos?
Hay, nakakalokang network war talaga ito, huh!
Anyway, biglang lumungkot ang tono ng pananalita ni Robin nang medyo naging malalim na ang diskusyon tungkol sa network war.
“Ayaw ko munang isipin ang ganyang mga problema… Saka na lang,” pag-iwas pa niya.
Samantala, habang nagpapainterbyu ang dalawa, nakatanggap ng tawag si Robin from the producer of Ikaw Pa Rin na huwag masyadong pag-usapan ang tungkol sa torrid kissing scene nila ni AiAi.
Wholesome daw kasi ang movie at pampamilya ito kaya enough na sa mga laplapang tsika.
Ang Ikaw Pa Rin ay sa direksyon ni Wenn Deramas.
Related News
No. of Views: 286 views
Tags: ABS-CBN, Robin Padilla, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














