Anak ni Sam Milby sa ibang babae, ipakikilala kay Anne Curtis

March 17, 2008







ITINANGGI na ni Sam Milby ang tsismis na may anak siya sa pagka-binata. Ayon sa Fil-Am actor, maging siya’y walang kaide-ideya kung saan nanggaling ang balitang ’yun.

Pero dahil sanay na nga siya sa showbiz, tinatawanan na lang niya ito’t alam daw niyang parte lang ng pagiging artista niya ang mga ganitong intriga.

After all, mas grabe pa nga ’yung tsismis sa kanila ni Piolo Pascual, pero nalampasan niya.

Inamin din ng aktor na tinanong siya ng lady love na si Anne Curtis tungkol sa tsismis.

“If ever there came a time na I do have a kid, I’ll definitely let her know. I do love her,” sabi pa ni Sam, na very open na talaga sa panliligaw niya kay Anne.

May tsismis ding nagkaroon ng relasyon si Sam kay Marianna del Rio, ang Brazilian model na na-link kay Cesar Montano, at ayon sa actor, wala itong katotohanan.

Pero inamin naman ni Sam na last year pa niya nakilala si Marianna sa ASAP, pero hindi sila nagkaroon ng romantic involvement kung ’di friendship lang.

Kasalukuyang napapanood si Sam sa Maging Sino Ka Man at ipinipetisyon ng kanyang mga tagahanga na maging leading man sa Betty La Fea remake, dahil bagay daw sa aktor ang role na Armando, ang love interest ni Betty.

* * *

TEASER lang ng Maalaala Mo Kaya episode nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo na inere last Friday ang napanood namin, pero hindi maitatangging malakas pa rin talaga ang chemistry nila sa screen.

Habang pinanonood nga namin ang teaser ay hindi namin maiwasang makaramdam ng panghihinayang sa loveteam nila na nabuwag agad.

Matatandaang parehong contestants ng Star Circle Quest Batch 1 sina Joross at Roxanne. Hindi sila ang nanalo, kundi sina Sandara Park at Hero Angeles, pero sila ang mas nagtagal sa showbiz.

As we all know, wala nang career sina Sandy at Hero.

Kung sa ibang loveteam ay nakabubuti ang pagkakaroon ng relasyon sa totoong buhay, kabaligtaran ang nangyari kina Joross at Roxanne, dahil nakaapekto sa kanilang tambalan ang samu’t saring problema sa relasyon nila.

They decided to call it quits at doon na rin nabuwag ang Joross-Roxanne loveteam.

Ang pagsasama nila last Friday sa MMK ay naghatid ng tuwa sa kanilang mga tagahanga. May mga text message kaming natanggap na ipinahahatid ang pasasalamat sa ABS-CBN sa pagbibigay ng proyekto sa kanilang idolo and requesting na sana  ay masundan pa ito.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Angel Locsin
Cindy Kurleto
Amanda Griffin
Anne Curtis
KC Concepcion
Mary Jean Maycon

 


Comments

Got something to say?





Advertiser