KC Concepcion kinikilig kay Richard Gutierrez
March 17, 2008
Kahit hindi sabihin ni KC Concepcion, ‘di maitago ng singer/aktres ang kilig ‘pag si Richard Gutierrez na ang itinatanong sa kanya.
Sa panayam ng The Buzz kay KC, kinumusta ang aktor at tinanong kung tuloy na ba ang umano’y pan-liligaw nito sa kanya? Asus, bigla na lang nag-blush si KC at hindi napagilan ang tumawa na animo’y isa siyang teenager.
Well, ganyan talagang feeling ‘pag inspirado ka at may isang taong nagpaparamdam sa ‘yo na espes-yal ka.
Aniya, “Basta si Richard ang taong hindi papayag na makalimutan mo siya,” paglalarawan pa nito sa guwapong aktor.
Kahit sinong babae raw ay makakaramdam na importante siya sa ginagawang pagtrato ni Richard.
All praises si KC sa binatang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, huh. Napakabait daw kasi nito.
Kami man ay naniniwalang nice guy nga itong si Richard. Hindi siya mayabang na gaya ng ibang artista na may ere na.
Hindi rin kami naniniwalang isnabero si Richard gaya ng napapabalita. In fact, siya nga itong mabilis makatanda ng mga pangalan at mukha ng mga taong ipinapakilala sa kanya.
Hindi kami magtataka kung eventually ay magustuhan din siya ni KC knowing na choosy din ang anak ni Megastar Sharon Cuneta, huh?
Anyway, binuking naman ni Ruffa Guttierrez ang kapatid on air pa, na pinapadalhan nito lagi ng bulaklak si KC kahit nasa Amerika ang aktor ngayon kasama ang iba nilang kapamilya.
Roses at Chocolates daw ang pinapadala ni Richard lagi kay KC, walang mintis ito.
So, ano pa ba ang tawag natin sa ganitong mga hakbang? Alangan naman gusto lang ni Richard na maging text mate si KC?
Isa si KC sa iilan lang na paborito namin. Hindi man kami personal na magkakilala ng anak ni Mega ay hanga kami sa ginawang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina.
May breeding at intact ang values. Hindi matapobre.
Abangan ang muling pagsabak ni KC sa telebis-yon. I Am KC ang title ng show niya at hindi na ito pang-isang gabi lang.
Birthday special ito ni KC at buong buwan ng Abril natin siya mapapanood sa ABS-CBN.
Related News
No. of Views: 410 views
Tags: ABS-CBN, Annabelle Rama, KC Concepcion, Richard Gutierrez, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “KC Concepcion kinikilig kay Richard Gutierrez”
Got something to say?















ang bgay kay richard si rhian ramos