Rufa Mae Quinto, tinawag na maarte, makapal at bastos si Jessa!

March 17, 2008









IPINARINIG sa Showbiz Central ang first interview ni Manny Pacquiao after winning the WBC Super Featherweight title laban kay Juan Marquez.

Call si Manny sa hinihinging rematch ni Marquez, anytime raw, basta magkasundo’t wala siyang inuurungan.

Sa March 24 ang balik sa bansa ni Manny after tanggalin ang 16 stitches na tahi sa kanyang right eye.

Guest ang mag-inang Beth at Angelika Jones sa Don’t Lie to Me  segment at inamin ng una na nakarelasyon ng anak si Paolo Bediones.

Ilang beses na itong itinanggi ng TV host, pero paulit-ulit na inaamin ng ina ni Angelika.

Dumating din ang three winners ng Bb. Pilipinas at sa Tagalog sinagot ni Janina San Miguel ang tanong ni Raymond Gutierrez kaya mas naintindihan namin siya.

Hindi pa pala tapos ang away nina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragoza at galit na ang una. Tinawag nitong “maarte,” “ang kapal” at “bastos talaga” si Jessa, na tiyak na magre-react, kaya never ending pa ang “word war” nila.

Humupa lang ang galit ni Rufa Mae nang mapag-usapan ang bago niyang inspiration, ang Pierce Brosnan-lookalike na si Robert “Bobby” Lopez.

Nag-promise itong ’pag naging sila na, dadalhin niya ang guy sa Showbiz Central.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser