Bagong PBB teen housemates ni Kuya ipinakilala na
March 26, 2008
Big time na pagsalubong ang binigay ni Kuya sa kanyang bagong teen housemates noong Linggo sa pormal na pagsisimula ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Kasama ang hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez, Luis Manzano, former housemates na sina Gerald Anderson, Mikee Lee, Will DeVaughn, Riza Santos, Gee ann Abraham, Mickey Perez at Teen Edition 1 big winner Kim Chiu, ipina-kilala na nga sa publiko ang 14 na kabataang Pinoy na papasok sa pinakasikat na bahay sa bansa kasabay na rin ng paglantad ng dalawang bagong plus ni Kuya na dapat pakaaba-ngan sa edisyong ito.
Sa libu-libong nag-audition nationwide, mapa-lad na napabilang sa teen housemates ni Kuya ang Promdi Hottie ng Mindoro na si Ejay, Bubbly Girl ng Davao na si Jieriel, In-Chick ng Cebu na si Nicole, Junior Kengkoy ng Davao na si Nan, Rebellious Beauty ng Dumaguete na si Beauty, Prisoner’s Daughter na si Rona, Gentle Giant ng Bulacan na si Jolas, Bikini Babe ng Iriga na si Linda at ang Deaf Dreamer na si Priscilla.
‘Di rin pahuhuli ang pambato ng mga global Pinoy na kinabibilnagan naman ng Dazzling Doll ng Germany na si Valerie, Italian Valentino ng Milan na si Alex, at Spanish Stallion ng Madrid na si Kevin.
Bilang karagdagang “plus” ni Kuya this season, ang dapat sana’y ori-ginal 12 housemates ay nadagdagan pa ng dalawa mula pa sa dalawang kam-pong matagal ng mag-karibal at nag-uumpugan sa hardcourt — ang Ateneo at La Salle.
Andiyan upang ibandera ang bandila ng mga Atenista ay ang True Blue Atenista na si Robi at para naman itaguyod ang laban ng mga La Sallista ay ang Lethal LaSallite na si Josef.
Agad bibigyan ng task ni Kuya ang dalawang rival housemates sa kanilang pagpasok sa Bahay.
Ano nga kaya ang task na ito? Paano mag-a-adjust ang teen housmates sa isa’t isa?
Ano kaya ang mangyayari sa unang gabi nila sa loob ng bahay? Sino nga ba ang marunong makisama at sino ang pasaway?
Lahat ng iyan ay malalaman at sabay-sabay natin matutunghayan gabi-gabi sa PBB Teen Edition Plus Uber, 5:30 p.m. at PBB Teen Edition Plus Primetime, pagkatapos ng Lobo sa ABS-CBN.
Mapapanood din ang teen housemates 24/7 online via TFCNow Live Stream (www.abs-cbnnow. com).
Related News
No. of Views: 161 views
Tags: ABS-CBN, Gerald Anderson, Luis Manzano, Mariel Rodriguez, PBB, Pinoy Big Brother, Riza Santos, SC, Toni Gonzaga
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













