Gabby Concepcion, two years ang exclusive contract sa Dos at Star Cinema

March 31, 2008







TALAGANG wala nang urungan at wala nang makaaawat sa pagiging Kapamilya ni Gabby Concepcion, dahil bukod sa nakapirma na ang manager niyang si Mommy Rose Flaminiano sa ABS-CBN, ngayong araw na ito naman gaganapin ang official contract-signing ng comebacking actor sa network.

We learned na bago pa man umuwi si Gabby sa ’Pinas, nakapirma na si Mommy Rose ng two-year exclusive contract for her talent sa ABS-CBN at Star Cinema.

Nang dumating si Gabby last Sunday, nakipag-meeting siya agad sa mga executive ng network with Mommy Rose at inilatag sa kanya ang kontratang pinirmahan ng manager. Okay naman daw lahat sa aktor.

But to make it more formal, si Gabby naman ang nakatakdang pumirma today. Kung saan, hindi na idinetalye pa ng aming source, but we guess, sa ABS-CBN din ito gaganapin.


It’s a multi-project contract, we learned. Lahat ng gagawin ni Gabby na proyekto sa TV at pelikula ay under ABS-CBN and Star Cinema lang.

Hindi pa kumpirmado kung ano ang mauuna niyang gawin dahil kasalukuyan pang inaayos, pero malamang na mauuna muna ang Maalaala Mo Kaya stint.

Tungkol sa kontrata niya sa GMA Films, wala naman daw magiging problema dahil non-exclusive ito at naka-stipulate pa na ang shooting ay outside the country.

Nagpahayag din si Gabby that he’s honoring the GMA Films contract, kaya wala naman daw sigurong magiging problema.

Later this week, malalaman na rin natin ang iba pang detalye, dahil nakatakdang magpatawag ng grand presscon ang ABS-CBN for Gabby.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Jennifer Lee
Sheree
Megan Fox picture gallery
Cindy Kurleto
Cindy Kurleto

 


Comments

Got something to say?





Advertiser