Interview ni Gabby Concecpcion, tinutukan ni KC
March 31, 2008
MATAPOS ang napakainit na pagsalubong at one-on-one interview ni Gabby Concepcion sa The Buzz nu’ng Linggo, sinubukan naming kunan ng reaksyon kahapon ng umaga sina Sharon Cuneta at KC Concepcion through a close friend.
Pero ayon sa taong malapit sa dalawa, pareho pang hindi nagpaparamdam ang mag-ina tungkol sa isyu.
Ang alam daw ng source ng Tonight, pinanood at tinutukan ni KC ang interview ng amang si Gabby with Boy Abunda. Dito rin siguro na-realize ng dalaga na kasing-laking artista ng nanay niya ang kanyang ama.
Hindi naman sigurado ng isa pang source kung pinanood ni Mega ang interview.
Kung kilala raw ng nauna naming source si Sharon, hindi muna ito magbibigay ng komento sa mga sinabi ni Gabby, lalo pa nga’t nakatakda itong umalis any day now for London para sa shooting ng Chito Roño film na Caregiver for Star Cinema.
As of this writing, hindi pa nakakausap ng first source si Shawie, kaya wala pang mai-comment sa paghingi ng kapatawaran ni Gabby.
Unless daw siguro ma-corner ng press si Mega sa airport, saka pa lamang ito magsasalita.
Pero sa tantiya ng kausap namin, malabong matupad agad ang muling pagsasama sa big screen ng pinakamalaking loveteam ng dekada ’80. Dagdag pa niya, bukod tanging si Sharon lang ang makakapag-decide tungkol dito sa takdang panahon.
“Puwedeng matuloy, pero kailangan ng proper timing,” sabi pa ng source.
Sa interview ni Gabby kay Boy, sinabi nitong bukas siya sa muling pakikipagtambal sa dating asawa at tanggap niya sakali mang intrigahin sila dahil dito.
After all, wala na raw siyang itinatago’t open book na sa publiko ang buhay niya. Kadikit na rin daw ng “buntot” niya ang lahat ng intriga.
Hinamon pa nga niya si Sharon na gumawa sila ng pelikula para may mapatunayan sa tao, tutal naman daw, ’yun ang gusto nila.
Sa totoo lang, nakikini-kinita na naming sisigla uli ang industriya oras na pumayag si Sharon na maka-partner si Gabby. Ewan nga ba kung anong klaseng magic meron ang dalawa’t nilalagnat yata ang buong Pilipinas mapag-usapan lang sila?
Partida pa ’yan, ha, 13 long years nawala si Gabby sa eksena, may bago nang asawa, ang U.S.-based former fan na si Genevive Yatco Gonzalez, at kasisilang na anak na babae.
Ang buong akala namin, manlalamig na ang fans sa kanya.
Pero, kitang-kita at dinig na dinig naman ang hiyawan ng mga tao sa studio pa lang ng The Buzz. Lalo na nga nu’ng tanungin ni Boy si Gabby kung sino ang type nitong makapareha sa pelikula.
Sa gitna nga raw ng kaguluhan sa studio, hindi na mawari ng co-host na si Ruffa Gutierrez kung saan nalaglag ang kabiyak ng hikaw niya, ’no?!
Nai-imagine na namin ang magiging scenario: “Happy days are here again” kung box-office returns din lang ang pag-uusapan.
Para sa mga bagets na hindi na maka-relate sa kasikatan ng Sharon-Gabby loveteam, sila lang naman ang hottest, biggest at most bankable nu’ng kapanahunan nila. Halos lahat ng pinagtambalan nilang pelikula, Dear Heart (film debut ni Sharon), P.S. I Love You, My Only Love, Dapat Ka Bang Mahalin, Sa Hirap at Ginhawa, Pati Ba Pintig ng Puso?, Una Kang Naging Akin, Tayong Dalawa at Bakit Ikaw Pa Rin?, tumabo ng limpak-limpak, in fairness!
Sa maniwala kayo o hindi, walang binatbat ang tagumpay na tinatamasa ng loveteams ngayon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Marian at Richard Gutierrez, Kim Chiu at Gerald Anderson, kahit pa ang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo o Piolo Pascual-Angel Locsin.
Eh, nagkatuluyan pa nga ang dalawa sa totoong buhay. ’Yun nga lang, nagkahiwalay din, pero magkakabalikan sana, kung ’di lang sumulpot sa eksena ang isang Jenny Syquia.
Those were the days, ’ika nga.
Isa pa, hindi lang ang tambalang Sharon-Gabby ang puwedeng abangan ng diehard fans ng dalawa, dahil gaya ng sabi ng comebacking actor, type rin niyang makasama sa isang proyekto ang anak na si KC.
Ibang usapan pa ’yon. Eh, paano kung maisipan pang isama ang diumano’y ardent suitor nitong si Richard Gutierrez sa pelikula? Eh, ’di gibang-gibang na ang takilya?
Hay naku, sana nga’y maayos na ng mga studio nila ang mga bagay na dapat ayusin para naman sumaya ang followers ng apat na artista.
Kahit kasi wala pang napapatunayan ang KC-Richard tandem, malakas na malakas ang arrive nila. Siguro nga’y pati si KC, takang-taka kung bakit ganu’n na lang katindi ang interes ng publiko sa kanila ng anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Pero, dapat alalahanin ng baguhang si KC na sadyang may mga ganyang pangyayari sa mahiwagang mundo ng show business. Wala pa mang project, kitang-kita na ang lakas at tindi ng chemistry.
Honestly, sa dinami-rami ng young actors ngayon, wala talagang mas babagay sa isang gaya niyang “showbiz royalty,” kundi isa ring maituturing na “showbiz prince.”
Iba talaga ang hatak ng KC-Richard loveteam, promise! Panahon na sigurong magkasundo ang GMA Films at Star Cinema, what do you think?
Related News
No. of Views: 1,064 views
Tags: Angel Locsin, Annabelle Rama, Bea Alonzo, Boy Abunda, Dingdong Dantes, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, GMA, John Lloyd Cruz, KC Concepcion, Marian Rivera, Piolo Pascual, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, SC, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














