Lakas ng TFC, ang kinonsidera ni Gabby Concepcion

March 31, 2008







TINAWAGAN muna namin si Ate Lolit Solis para ipagpaalam sa kanyang pupuntahan namin si Gabby Concepcion sa The Buzz.

“Oo naman, anak. Alam ko namang idol mo ’yon, ’no! Magmamaldita pa ba ’ko, eh, number one fan ka ni Gabby nu’ng araw pa?”

Hehehe. Juice ko, dalawa sila ni Aga Muhlach na fan na fan ako, ’no! Ang sarap balikan ng nakaraan.

Kaya ayun, 3:30 p.m. pa lang, nasa ABS-CBN na kami para abangan si Gabby. At sa totoo lang, nu’ng makita namin siya, feeling namin, kami ang tumanda, ah?

Hindi nagbago ang mukha. Pula pa rin ang lips, ang ganda pa rin ng ngipin at macho pa rin ang lolo n’yo.

Sabi namin kay Gabby nu’ng memeyk-apan, “Hindi mo na kailangang magpa-make-up, maganda pa rin ang kutis mo!”

Sabi ni Gabby, “Okay lang. Thirteen years, ngayon lang uli ako nameyk-apan,” kaya tinandaan pa ng aktor ang nag-make-up sa kanya na si Tess.

May isang teleserye, isang Maalaala Mo Kaya episode at isang movie under Star Cinema ang gagawin ni Gabby.

“Iba talaga ’pag Kapamilya ka!”

Feeling namin, eto ang mga rason kung bakit mas pinili ni Gabby ang maging Kapamilya kesa maging Kapuso, kahit pa meron siyang isang movie na gagawin sa GMA Films.

Una, ’yun ang gusto ni Mommy Rose Flaminiano, ang manager niya ngayon.

Pangalawa, nandu’n sina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Feeling namin, kinumbinsi rin siya ni KC.

Kasi nga naman, naghiwalay na nga sila nang matagal na panahon, pati ba naman sa network, magkahiwalay pa rin?

Pangatlo, kinonsidera rin ni Gabby ang lakas ng TFC sa Tate.

At aminin natin, nagkaroon dati ng Star Drama Theater Presents…Gabby,” ’di ba?

At bakit hindi siya naging Kapuso?

Eh, ’yang bagay na ’yan, kayo na ang sumagot, okay?

By: Ogie Diaz

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Cassandra Ponti
Diana Zubiri
Jamila Obispo
Vanna Garcia
Vina Morales

 


Comments

Got something to say?





Advertiser