Rufa Mae Quinto, nag-sorry kay Jessa
March 31, 2008
Sana nga, matapos na ang bangayan nina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragoza sa TV sa pagso-sorry ng una sa Showbiz Central last Tuesday.
Tama ang viewers na hindi na nakatutuwa ang weekly na sagutan nila at kung saan-saan na napupunta ang away.
Inako na ni Rufa Mae ang kasalanan at pinakiusapan si Dingdong Avanzado na kausapin ang asawa na patigilin na.
Kaya lang, pag-uwi ni Jessa sa May, tiyak na sasambulat uli ang word war ng dalawa. Aliw lang si Rufa Mae, dahil kahit galit na, hindi nakalimutang i-promote ang April 16 showing ng Manay Po 2: Overload ng Regal Entertainment at kung saan, gaganap siyang baby maker at may love scene kay Polo Ravales.
Natuloy na rin ang paghaharap nina Pia Guanio at Dina Bonnevie at maganda ang sinabi ng huli na “I’ve moved on, I’m just really happy for Vic, alagaan mo siya. I’m happy he’s with you, bagay kayo at sana kayo na.”
Na-interview din ang mag-asawang Camille Prats at Anthony Linsangan with their baby at ibinalitang next year na ang kanilang church wedding na dapat ay December 5.
May short interview din ang SC kay Gabby Concepcion, na nagpahayag na gusto pa rin niyang matuloy ang movie nila ni Jolina Magdangal.
Kaya lang, na-disappoint na ang actress at ang pamilya nito na unang nakipag-negosasyon sa actor.
Related News
No. of Views: 102 views
Tags: Camille Prats, Gabby Concepcion, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














