Sharon Cuneta and KC Concepcion gusto agad makasama ni Gabby Concepcion

March 31, 2008







Now it can be told. Hindi dahil sa lumaki na ang ulo ni Gabby Concepcion at bigla na lang nag-primadona kaya siya nag-backout sa pelikulang  Love Cruise ng GMA Films. Naramdaman kasi ni Gabby na hindi proper comeback vehicle sa kanya ang project.

Kasi nga naman magbabalik-pelikula siya after 13 years of absence sa showbiz dahil sa kanyang self-exile sa States tapos bibigyan siya ng movie na magmumukha lang si-yang “one of those” sa  istorya.

‘Yun ang dahilan kung bakit gusto niyang pala-kihin ang role niya sa naturang movie. ‘Yun din ang rason kung bakit nagre-request siya ng top billing kasi nga comeback movie niya ‘yun.

Hindi niya tinatanggihan na makasama sina Mark Herras at Rhian Ramos tulad ng napabalita.         Ang gusto lang niyang mangyari sana ay sa kanya iikot ang istorya since pagbabalik-pelikula nga niya ito.

He has nothing personal against Mark and Rhian dahil in the first place hindi naman niya kilala ang mga ito (wala na si Gabby sa Pilipinas nang mag-artista ang dalawa).

Gusto niya raw matuloy ang project with Jolina Magdangal kaso ibahin lang daw ang script. Point taken.

Ang kaso kailan  naman kaya mangyayari ‘yun since tinuloy na ng GMA Films ang  Love Cruise  na ngayon ay  ITALY  na ang title with a different leading man, si Dennis Trillo nga.

Paalis na ang buong cast and crew patungong Europe sa April 2.

At any rate iho-honor pa rin daw ni Gabo ang commitment niyang ito with GMA Films kaya walang kaso rito.

What he needs lang is a good comeback project. We suggest a light romance with Regine Velasquez. O kaya isang movie with Marian Ri-vera. Siguradong panalo ito sa takil-ya!

What about  it, Ms. Anne Gozon?

* * *

Mabilis kumilos ang ABS-CBN kasi nagawa nilang maging Kapamilya kaagad si Gabby.

Aba, dumating lang si Gabo noong Linggo ng umaga, tapos kinahapunan ay nag-guest na kaagad siya sa The Buzz nang live.

At doon na nga ni-reveal ni Gabby na may gagawin siyang teleserye sa ABS plus several special TV guestings tulad sa  Maalaala Mo Kaya  at mga pelikula under Star Cinema.

At dahil nga pagbabalik ito ni Gabby ay dapat lang na magaganda at well thought of ang lahat ng projects na ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

A movie with either Vilma Santos or Maricel Soriano will be great. O di kaya puwede ring ipareha si Gabs kina Bea Alonzo or Angel Locsin.

Pero kung si Gabby ang tatanungin ang gusto ni-yang makasama sa movie ay sina Sharon Cuneta at  ang anak nilang si  KC Concepcion. Kasi nararamdaman daw niya na ito ang gustong panoorin ng mga tao.

Pero kung hindi raw possible na magsama silang tatlo sa isang movie kahit na lang daw si KC ang makasama niya sa isang project.

Yes, very proud daw siya kay KC. At kung gusto nitong mag-artista ay hindi niya ito pipigilan dahil nakapagtapos na naman ito ng pag-aaral. At natutuwa siya dahil makakasama niya ang panganay niya sa birthday nito sa April 7.

Nagpapasalamat nga pala si Gabby kay Mommy Rose Flamiano kasi ito ang nag-ayos ng lahat ng legal hassles kaya nagawa ni-yang makabalik sa Pilipinas.

At sa lahat daw ng taong nagkasala siya, humi-hingi siya ng tawad nga-yong nandito na siya sa Pilipinas uli.

Very well said.

Welcome back, Gabby!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Marian Rivera Picture Gallery
Alicia Mayer
Patricia Javier
Christine_Reyes_795
KC Concepcion

 


Comments

Got something to say?





Advertiser