Sexbomb malalagasan na naman ng member
April 1, 2008
Totoo kaya ang tsismis na malalagasan na naman ng isang angel ang Sex Bomb dancers?
May offer daw kasi ang retired British pilot na father ni Sexbomb Louise Bolton na papuntahin siya sa London at du’n na manirahan.
Produkto ng broken family si Louise at ang lola niya ang nakagisnan niyang ina dahil five years old pa lang siya nang iniwan siya ng kanyang mommy patungong Hong Kong.
May kontrata si Louise sa Focus Entertainment hanggang year 2009 kaya hindi namin alam kung ano ang mangyayari kung sakali.
Pero kung kami ang tatanungin, ‘wag dapat palagpasin ni Louise ang opportunity na binibigay sa kanya ng Focus Entertainment sa Daisy Siete.
Kontrabida ang kanyang role noon sa Uling-ling at isang character role naman ang ginagampanan niya ngayon sa Prince Charming and the Seven Maids.
Kung sakali, hindi niya makukuha ang ganitong opportunity sa London , sa true lang.
‘Wag sana siyang gumaya sa dating taga-Sex Bomb na may mala-kristal na skin sa kinang na sina-sabing walang utang na loob at bigla na lang lumayas.
* * *
Sa opening ng Ozeano Restaurant na pag-aari ni Steve Tamayo ang ka-date ni Bangs Garcia na isang executive dawn g TV network.
Siguro, hindi aware si Bangs na maraming taga-showbiz ang dadalo sa opening ng bagong restaurant ni Steve Tamayo kaya hindi na sila nakapagtago ng kanyang ka-date.
Pero in fairness kay Bangs, may itsura ang TV executive na ‘yon kaya kung talagang silang dalawa ay puwede na rin.
Teka, ano na ang nangyari sa pagkaka-link niya kay Jake Cuenca?
Publicity promo lang kaya ‘yon?
Related News
No. of Views: 183 views
Tags: Jake Cuenca
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














