Accent ni Riza Santos, klik sa ‘Dobol Trobol…’

April 2, 2008







riza santosPAGKATAPOS ng matagal na panahon, muli naming nakausap ang Comedy King na si Dolphy sa set ng Dobol Trobol ng RVQ, M-Zet at APT Films.

As usual, naging very accommodating sa amin ang beteranong komedyante kahit nga noon lang uli kami nagkita.

Tulad ni Vic Sotto, aminado si Dolphy na excited siya sa pagkakatuloy, sa wakas, ng naturang proyekto. Noon pa raw talaga nila ito napag-usapan ni Bossing, nu’ng kapuwa pa sila Kapamilya at ’di pa lumilipat ang Eat Bulaga sa GMA-7.

Ganun na katagal, huh!

Tatay ng baguhang si Riza Santos, PBB Celebrity Edition 2 2nd Big Winner, ang role ni Mang Dolphy sa nasabing Tony Y. Reyes-megger.

Nagsimula ang riot na katatawanan at kabulastugan nang ligawan ni Bossing ang magandang anak ng kanyang kasamahan sa trabaho.

Siyempre, dahil subordinate lang niya at naisip na baka may balak si Vic na sulutin ang kanyang puwesto sa pinagtatrabahuang resort, tutol si Dolphy na maging future son-in-law si Vic.

Promise, may bagong mamahalin ang local moviegoers sa katauhan ni Riza. Very photogenic ang 20-year-old na dalaga.

Klik ang kanyang Canadian accent sa kanyang papel sa DT.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Joyce So Picture Gallery
Nancy Castiglione
Joyce So Picture Gallery
Aubrey Miles
Regine Tolentino
Angela Velez

 


Comments

Got something to say?





Advertiser