Gabby Concepcion, papasok sa Bahay ni Big Brother?

April 2, 2008







PARA totally masabing may Gabby Concepcion fever nga ngayon sa bansang ’Pinas, dapat siguro ay maging guest itech sa Bahay ni Kuya at ipakilala sa PBBTE Plus housemates.

For sure, hindi pamilyar ang mga teen houemate  kay Gabby dahil ang mga nakaabot sa kasikatan noon ng aktor ay may edad na ngayong 30 and above.

’Yung mga nasa “disi” anyos pa lang, maaaring pamilyar lang ang mga ito sa namesung ng actor bilang biological father ni KC o maaaring hindi rin.

Malamang pa ang mga parent or guardian ng PBBTE Plus na ngayon ay mga “hostage” na rin ni Big Brother sa bahay niya, lalo na ’yung mga nanay at tita, fan ni Gabo nu’ng araw dahil halos hindi nalalayo ang mga edad nila sa dating Regal Baby.

Yeah, how about that, Pinoy Big Brother?

Ay, habang tinitipa namin itech kahapon, merong tulian session daw sa bakuran ni Kuya dahil magpapatuli na raw si Alex ng Milan, Italy, at the age of 18.

Heard na ang natokang magtutuli kay Alex ay si Josef ng La Salle.

Josme, ano naman ang alam ni Josef na mangtuli? Baka ma-inpeksyon pa si Alex, ’noh. Kaya nga ang pobreng Josef, ayun kagabi, sight na sight sa TV na  sobrang stressed at naiyak pa.

Pero kung sa mga showbiz reporter natoka ang pagtutuli kay Alex, for sure, willing and able ang mga itech, hahaha!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Valerie Concepcion
707
Katrina Halili
Eula Valdez
Amanda Griffin
Nancy Castiglione

 


Comments

Got something to say?





Advertiser