Kampo ni Richard Gutierrez, tahimik sa lipatan isyu
April 2, 2008
ILANG linggo nang laman ng blind items ang young actor na si Richard Gutierrez. Ang sabi, may malaking tampo ito sa home studio na GMA-7, kaya mukhang lilipat na sa ABS-CBN 2.
Ilang tao na sa kampo ng mga Gutierrez ang sinubukan naming kunan ng komento, pero lahat sila’y wa talk hanggang ngayon.
Lalo tuloy lumalakas ang bulung-bulungang susunod na si Richard sa dating kaparehang si Angel Locsin sa Kapamilya channel.
Ano nga ba ang totoo sa umiikot na tsikang sobrang tempting ang alok ng Dos, kaya nagdadalawang-isip nang mag-renew si Richard sa Siyete?
Sa Mayo raw mag-e-expire ang kontrata ng aktor sa Kapuso network.
As of this writing, may usapin ng offer at counter offer, pero wala namang gustong mag-confirm o mag-deny nito. ’Kalokah!
Related News
No. of Views: 162 views
Tags: ABS-CBN, Angel Locsin, GMA, Richard Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














