Paglipat ni Ara Mina sa Dos, pinaboran ni Rufa Mae

April 3, 2008







Three movies ang gagawin ni Rufa Mae Quinto this year. Kasama rito ang Manay Po 2: Overload ng Regal na showing sa April 16, at ang I.T.A.L.Y. ng GMA Films.

May kasunod ng offer si Mother Lily Monteverde, ang My Sweet Papa at Desperadas 2.

May offer din ang OctoArts Films na sila ni Willie Revillame ang bida, at gagawin niya sa Viva Films ang Civil Status: Single.

Pati sa TV, nag-o-overload ang shows niya’t kasama rin siya sa Dyesebel at siya ang magbibigay ng mga paa kay Dyesebel (Marian Rivera).

Hindi pa niya alam kung kailan siya makakapag-taping, basta kasama siya’t lahat daw ng shows na hawak ni Direk Joyce Bernal, dapat ka-join siya sa cast at kahit anong role ay gagawin niya.

Ang kulang na lang kay Rufa Mae ay magkaroon ng acting award at feeling niya, si Direk Joel Lamangan ang makapagbibigay nito sa kanya, kung ’di man sa MP2: Overload, sa ibang pelikulang gagawin nila.

Kung sinu-sino na raw ang pinapanalo nito, siya na lang ang hindi pa.

Kaya, nag-i-effort itong i-improve ang craft niya at katatapos lang nilang mag-workshop ng mga taga-Bubble Gang kay Direk Peque Gallaga. Parang bonding na rin nila ang workshop, dahil 12 years na silang magkakasama.

* * *

Kahit bakasyon siya sa Bubble Gang dahil sa Prinsesa ng Banyera, close pa rin si Ara Mina sa mga naging kasama sa gag show.

Two Mondays ago, dumating siya sa blessing ng bagong bahay ni Michael V.  somewhere in Quezon City.

Late na itong dumating dahil galing sa taping ng PNB. Sa gate ng bahay na lang siya hinintay ng mga kaibigan para agad makita.

Ayon kay Rufa Mae Quinto, nalungkot siya nang umalis sa Bubble Gang si Ara, pero masaya na rin siya sa desisyon nitong lumipat sa ABS-CBN, dahil sa chance na makatrabaho ang Kapamilya stars at lumawak ang mundo nito.

Tinanong si Rufa Mae kung sa palagay ba niya, tama ang desisyon ni Ara?

“Sabi niya, miss na miss na niya ang Bubble Gang, pero extended ang Prinsesa ng Banyera at makababalik lang siya sa Bubble Gang ’pag tapos na ang soap niya sa Channel 2.

May sagabal lang kung gugustuhing bumalik ni Ara sa BG. May kinalaman dito ang kapatid na si Cristine Reyes.

Inalis na ng GMA Network ang kapatid nito sa list ng kanilang talents at libre nang lumipat. Alangan namang bumalik pa sa Channel 7 si Ara kung nasa Channel 2 na ang kapatid at hindi pa maganda ang nagin pag-alis.

Hindi yata papayag ang Siyete sa ganu’ng set-up.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mylene Dizon
Mylene Dizon
Maja Salvador
Sheree
Eula Valdez
Joyce Jimenez 765

 


Comments

Got something to say?





Advertiser