Richard Gutierrez may tampo sa Siyete kaya lilipat sa Dos

April 3, 2008







HINDI naman siguro lilipat si Richard Gutierrez sa ABS-CBN.

Si Richard ang bina-blind item ngayon na nag-iisip daw lumipat sa Kapamilya dahil sa pinakabagong tampuhan sa  pagitan ng kampo niya at ng ilang bosses ng GMA-7.

Magi-expire na ang contract ni Chard with Siyete  end of May at balitang may offer ang ABS-CBN  na tipong “too good to refuse.”

Say ng nakausap namin about this, palagi naman daw may ganyang balita kapag nagi-expire na ang contract ni Richard at palagi naman daw talaga itong may offer sa kabila.

Inisip na lang namin, hindi siguro pababayaan ng GMA-7  na makatakas sa kanila si Richard the same way hindi nila pinakawalan si Regine Velasquez  noon.

At siguro hindi rin naman lilipat si Richard dahil sa tampo lang because he is the acknowledged king of GMA primetime.

Ano pa ba ang gusto niya?

By the way, mas  napapalabas na  nga  ngayon ang kanyang summer plug sa GMA-7 more than any other batch of summer plugs.

Hopefully this means all is well na rin between Richard and GMA-7.

*  *  *

ANG kakambal naman ni Richard Gutierrez na si Raymond Gutierrez, napansin naming Kapuso weekend  star.

Every Sunday, dalawa  ang shows ni Raymond, ang SOP at Showbiz Central.
Tomorrow magpa-pilot ang Pinoy Idol sa GMA-7 kapalit ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5, so this will make him a star of two shows din every Saturday, the other one being sa QTV show nila nina Tim Yap, Issa Litton and Sam Oh na Living It Up aired at  6 p.m.

Bale ang lahat ng apat na shows ni Raymond sa Kapuso network, pang-weekend ta-laga.

Tomorrow sa Living It Up, may VIP pass na naman ang audience sa mga most-talked about happe-nings sa Metro including the Olay and Sony events, and Bench Body Event and the International Women’s Film Fest.

Kakausapin din ni Raymond ang hot young designers ngayon na sina Charina Sarte and Puey Quiniones.

Plus may celebrity forum pa on what’s hot and what’s not na summer destination.

Ipi-feature din ang Ruby Tuesday Restaurant na in place ngayon.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Bianca Araneta
Rhian Ramos
Jocelyn Oxlade 591
Angela Velez
Mylene Dizon
Cassandra Ponti

 


Comments

Got something to say?





Advertiser