Gabby Concepcion mahal pa rin si Sharon Cuneta!
April 4, 2008
Kahapon, binigyan na ng first presscon si Gabby Concepcion ng ABS-CBN at doon namin nakita kung gaano siya na-miss ng mga reporter, especially ang veterans na nakasama niya nu’ng kanyang kasikatan.
Nagmistulang fans’ day ang okasyon dahil halos lahat ng writers, nagpakuha ng picture kasama ang comebacking aktor na napakaguwapo pa rin.
Maging si Gabby, halatang na-miss ang mga reporter na dating nakasama dahil niyayakap niya talaga ang mga ito. Kilala pa niya ang marami sa mga ito kahit 13 years nang hindi nakikita.
Sa presscon, napakarami pa ring issues na naitanong kay Gabby kahit marami na rin siyang nasagot mula nang siya’y dumating.
Once again, nilinaw ni Gabby ang issue sa GMA Films, lalo pa nga’t may bagong pahayag ang management na hindi puwedeng ipalabas ang pelikula niyang gagawin dito sa Pilipinas dahil nakalagay sa kontratang pinirmahan niya na dapat ay ang naturang outfit ang maglalabas ng kanyang first movie sa bansa.
“Ah, ’yun ang pinag-uusapan ngayon, kaya nga napakaimportante ng communication. Alam naman ng marami na walang time frame na nakalagay sa contract at ’yan nga ang tanong diyan, eh.
“So, ’yun ang pinag-uusapan. Pero hindi na ’yun ang point du’n, eh. Ang point is, ’yun nga ang inaayos ngayon. That’s what’s going to happen. There are some things na confidential na pag-uusapan namin with the lawyers. I’m sorry, medyo hindi ako puwedeng magbigay ng details,” say ng aktor.
Willing daw siyang ibalik ang downpayment ng GMA Films at nagkataon lang na wala sa bansa ang executives nito dahil kasalukuyang nagsu-shoot ng ITALY.
“So, hinihintay na lang ang pagbalik nila para ma-finalize. Bale ang ginawa ko was, pina-remit ko ’yung pera dito. Nasa Amerika, eh. So, pina-remit ko ’yung pera. Ngayon, nasa dollar account. Naghihintay na lang for a decision. Babalik sila siguro sometime two weeks from now, tapos pag-uusapan ulit.”
But it doesn’t mean daw na tatalikuran na niya ang napirmahang kontrata. Gusto pa rin naman daw niyang gumawa ng movie under GMA Films dahil wala namang problema sa produksyon kundi sa project lang na naibigay sa kanya.
Masyado raw maikli ang pagitan ng pagbibigay sa kanya ng final script (March 13) at pullout ng cast para sa shooting abroad (March 28).
He’s hoping na hindi naman umabot sa korte ang lahat kaya raw very open ang communication line nila.
Hindi rin puwedeng hindi mapag-usapan ang dating asawang si Sharon Cuneta, lalo pa nga’t may bagong statement ang Megastar na “there’s never been closure” sa pagitan nila.
Ano ang reaksyon niya sa sinabing ito ni Sharon?
“Ah, I hate to dwell in the past, pero kung meron pang dapat ayusin, nandito ako para ayusin. At paulit-ulit ko ngang sinasabi, kung anuman ang naging kasalanan ko, humihingi ako ng patawad.”
Does he think na mahal pa rin siya si Sharon?
“Ako, ang masasabi ko lang ’yung nararamdaman ko.”
Mahal pa rin niya si Sharon? “Hindi naman mawawala ’yun, eh. Nanduroon lang ’yun.”
How does he feel na up to this day, wala pa pala silang closure? “Hindi ko alam, eh. Gusto ko ngang malaman, eh. Para at least, ’pag nag-usap kami, magkaroon na. At kung hindi pa rin, punta ulit tayo sa next step hanggang sa mawala na talaga. Pero ’pag nawala naman, baka mawala na rin ’yung excitement, hindi kaya?”
Hindi pa rin masagot ni Gabby kung dito na sila magse-settle ng kanyang pamilya since kararating nga lang niya at hindi pa nagsi-sink-in ang lahat.
Meantime raw siguro, dito na muna sila sa ’Pinas.
Sa mga darating na araw, matutunghayan na ang pagbabalik ni Gabby sa telebisyon. Una siyang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya at susunod naman ang isang teleserye.
Related News
No. of Views: 174 views
Tags: ABS-CBN, Gabby Concepcion, GMA, SC, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













