Korona ni John Prats, inagaw ni Jiro Manio
April 5, 2008
A part 1 ng Manay Po, binigyan ng kani-kanyang moment ni Direk Joel Lamangan ang mga karakter ng tatlong baklitang anak ni Luzviminda Dimaculangan (Cherry Pie Picache) na sina Oscar (Polo Ravales), Orson (John Pratts) at Orwell (Jiro Manio).
Iba’t ibang level ng kabaklaan ang ginagampanan ng tatlong young actor. Gayunman, sa kabuuan ng movie, napansin ng mga kritiko ang performance ni John.
Dito sa bagong episode na Manay Po 2: Overload, kung ang napapanood na full trailer ang pagbabasehan, at kumbaga sa beauty contest, mukhang ipapasa ngayon ang korona kay Jiro mula sa “ate” Orson niya.
Although consistent ang akting ni John bilang screaming faggot, si Jiro, bilang dalagita, ay promising sa kanyang performance bilang teener na may identity crisis.
Nag-shine rin ang damuho sa maikling shower scene. Dito mare-realize ni Orwell na mas bagay pala sa kanya ang long gown kesa salawal. Hahaha!
The other stars in MP2 Overload, are Rufa Mae Quinto, Giselle Sanchez, IC Mendoza, Charles Christianson, Marco Alacaraz, Rubirubi, Alex Castro, Andrea Torres and Paolo Rivero.
Handog ng Regal Entertainment, rarampa na ang mga kafatid on Wednesday, April 16. Gowww!
Related News
No. of Views: 147 views
Tags: John Prats, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














