Miyembro ng sexy group anak ni Gabby Concepcion?
April 5, 2008
PANSAMANTALANG maninirahan sa Pilipinas ang former hottest matinee idol na si Gabby Concepcion.
Ito ang mismong sinabi ng aktor sa presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN kaugnay na rin ng pagpirma niya ng kontrata sa nasabing network.
Yes, gagawa ng isang teleserye si Gabby. Mapapanood din daw ang aktor sa MMK.
“Although hindi ko lang alam kung ano ‘yung mauuna, ‘yung MMK ba o ‘yung teleserye,” wika ni Gabby.
Hitsurang overwhelmed talaga si Gabby sa mainit na pagtanggap ng lahat sa kanya.
Maging sa muling pagharap niya sa movie press ay super touched ang aktor dahil hindi niya akalain na ganito ka-warm ang pag-welcome sa kanya.
Sa nasabing presscon ay sinagot ng aktor ang mga intrigang iniuugnay pa rin sa kanya hanggang ngayon, isa na rito ang balitang may isa pa umano siyang anak na ngayon ay artista na rin.
Ganoon?
Ang batang tinutukoy na anak daw ni Gabby ay si Malaya Lewandowski na member ng grupong Kool Chx at contract artist ng Star Magic.
Cool lang si Gabby sa pagsasabing hindi niya anak ang magandang bagets na ito. Wika pa ng actor, nagkita na raw sila ni Malaya at nagkausap na.
Pag-amin ni Gabby, totoong kilala niya ang ina ni Malaya dahil kaibigan din daw niya ito noon pa.
Mariing ipinaliwanag ni Gabby na ni hindi niya nahawakan ang kamay ng mother ng bagets na ito.
So, kahit daw ipa-DNA sila ni Malaya ay talagang hindi magiging positibo ang resulta. Oo nga naman.
Sinabi pa ng aktor kay Malaya na kung gusto raw nito ng tipong father figure ay open siya palagi para sa dalaga. Pagdating naman kay KC, halatang super-proud si Gabby.
Aniya, he’s happier to see KC now na successful sa kanyang mga ginagawa. Ayaw naman daw ni Gabby na makigulo pa sa birthday plans ng anak bukas (April 7).
Malamang daw ay magsi-set na lang sila ng ibang araw together for a private gathering. So, hindi pala makikilala ni Gabby si Richrad Gutierrez, if ever?
Well, mukhang mahihirapan si Gabby na umiwas dahil malaking bahagi ng buhay niya sina Sharon at KC. Hangga’t maaari ay ayaw daw ng aktor na masabihan siya na ginagamit niya ang mag-ina sa kanyang pagbabalik.
* * *
PAG-USAPAN naman natin si Sharon.
Umalis na patungong London ang aktres to shoot her new movie Caregiver at tatlong linggo raw mawawala ang Megastar sa bansa. Ilang mahahalang eksena ang kukunan sa London kung kaya’t agarang lumipad ito. Komento pa ng ilan, baka raw umiwas lang si Sharon sa Gabby mania ngayon. Charoz lang.
Sa kabila ng sinabi ni Gabby na nagkausap na rin sila noon ni Sharon sa telepono bago pa pumunta si KC sa Amerika two years ago to visit him, nagbigay ng pahayag si Shawie sa TV Patrol recently na there was never a closure sa kanila ng dating minahal. In fairness, naiintindihan namin ang punto ni Sharon. Tinanong din ang aktres sa posibilidad na magka-sama sila ni Gabby sa isang pelikula.
Agad na sinabi nito na biniyayaan daw siya ng Panginoon ng isang masayang pamilya at hindi siya gagawa ng anumang ikagugulo ng katahimikan ng pamilya nila, or something to that effect.
Pero, malinaw na sinabi ng Megastar na wala na raw siyang hinanakit o hurt feelings kay Gabby. Because they have both moved on and have lives of their own.
Related News
No. of Views: 182 views
Tags: ABS-CBN, Gabby Concepcion, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














